Beginning

9K 231 3
                                        

DISCLAIMER: This is a work of fiction, business, place, events, and incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person's, living or dead, or actual eventr is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.


Prologue


Jenyah

Bakit kaya ganito ang buhay? Pag nagkaproblema sabay sabay. Hindi ba pwede na isa isa lang? Okay na sa akin yung pagkatapos ng isang problema may kasunod agad na isa. Kesa naman ganito na patong patong. Napakahirap kayang solusyonan. Sobra.

Jusko, maloloka na yata ako sa sobrang dami ng problema ko.

Natanggal ako sa part time job ko, pinalayas ako sa apartment ko, wala na'kong pambili ng kakainin ko, tapos ngayon dumagdag pa yung pambayad ko sa tuition. Ano ba gagawin ko, magpopokpok na lang ba ako?

"Bigyan n'yo pa po ako ng konting palugit ma'am. Promise po gagawa ako ng paraan."

Hindi ako nakaattend sa isa kong subject dahil pinatawag ako sa registrar's office. Hindi pa kasi ako nakakabayad ng tuition. Nakailang promissory note narin ako, siguro may lagpas lima na. Ilang linggo na nakalipas hindi ko parin nagawa'n ng paraan. Nagsunod sunod kasi problema ko.

What am I going to do? Magpakamatay nalang kaya ako!? Tumalon nalang kaya ako sa tulay o sa fourth floor ng building na'to. Nababaliw na talaga 'ko swear. Nawawalan na'ko ng pag asa sa buhay.

"Miss Narcida, nung nakaraang linggo mo pa 'yan sinasabi. Aba hindi tayo naglolokohan dito." Sa tingin mo ba niloloko kita!? Sana nga isang kalokohan lang itong mga problema ko! "I'm sorry Miss Narcida, pero hanggang bukas lang ang ibibigay ko sa'yong palugit. At huli na ito."

"Pero---" I was cut offed.

"I'm really sorry pero last na palugit mo na talaga 'to. Hindi na kita mapagbibigyan pa sa susunod. You may now leave."

Kaagad bumagsak yung mga luha ko matapos kong isara yung pinto. Bakit ganito? Bakit pati pag aaral ko parang mawawala? Pano na yung kinabukasan ko? Yung pangarap ko na maging isang flight attendant parang unti unti nang naglalaho. Sa pagtitinda nalang yata ako ng tuyo babagsak.

Mas lalong dumaloy ang mga luha ko. Pati sipon ko nakikipagkarera sa pagbagsak. Bakit ba ang hirap ng walang mga magulang. Bakit ba ang hirap mabuhay? Nagsisikap naman ako ah? Pero bakit ganun, sobrang hirap parin?

Bakit ba nabuhay pa'ko sa mundong ito. Para ano, para maranasan lahat nang 'to? Lord, kotang kota na po ako.

Pinunasan ko ang aking mga luha. Hindi ko namalayan gumagawa na pala 'ko ng eksena dito. Marami rami narin yung mga estudyanteng nakasaksi ng pag ngawa ko. Bigla tuloy akong nahiya.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Sa aking pag dilat hinanap ko ang pag asang magbibigay sa'kin ng lakas na malampasan ang mga ito. Naglakad ako patungo sa gate ng University. Napagdesisyonan ko na ipagpapaliban ang mga klase ko ngayong araw. Kailangan ko gumawa ng paraan. Hindi ako makakapayag na pati itong edukasyon ko na susi sa aking tagumpay ay mawala sa akin. Kaya ko ito. Laban lang, Jenyah!

Tinawagan ko si Jenna, yung bestfriend ko. Sa kaniya ko muna dinala yung mga gamit ko nung pinalayas ako. Tsaka ko nalang kukunin kapag may matitirahan na'ko.

"Bessang help me naman." Napahikbi na naman ako nung sagutin ni Jenna yung tawag ko. Ang iyakin ko talaga. Ayoko kasing mahinto sa pag aaral. Ito nalang yung nakikita kong paraan para makaangat sa buhay. Sa kahirapang dinadanas ko ngayon kaya hindi ako papayag na pati ito mawala sa akin.

My Gay Professor Is My HusbandCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang