October 8, 2016
Happy Birthday to me!!! Well, belated. Kahapon kasi birthday ko eh. And since I posted a very unusual, and so-not-me story two days ago(?), this poem will be in Filipino. A translation sill be available after I translate it. Hahaha! So, here it goes.
P.S. This poem isn't even about my birthday. Hehehe!
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
Bagong paaralan, bagong buhay,
Ito ang aking ipinangako.
Paggaling ng paaralan, uwi ng bahay,
Ito ang aking napagtanto.
Ngunit ika'y aking nasilayan,
Unang araw pa lamang ng eskwela.
Aking leeg ay napilayan
Kakasulyap sa iyong estela.
Tayo'y naging magkaibigan,
Magkasama sa halos lahat ng gawain,
Paunti-unti, ako'y nahuhulog
Sa patibong na tawag ay pag-iibig.
Sa nagtagal, ako't tuluyang nahulog.
Nagawa kong itago ng matagal
Ngunit nalaman din dahil sa isang panaginip
Ngayo'y ako'y umaasa.
Itong tulang ito ay para sayo.
Alam kong may ideya ka na
Sa aking tunay na nadarama
Ngunit hindi ako maglalantad.
Hindi ko deretsahan ipapaalam,
Hindi ko sasabihin sayo,
Ngunit ako'y magpapatuloy
Na tumingin sayo ng malayo.
BINABASA MO ANG
Poetry (A Compilation)
PoetryA compilation of poems I wrote, though the other entries are from my friends. They're mostly about my life. It's like a diary, but I'm sure people can relate to them. Hope you'll enjoy reading. ^_^ (This is stated as completed, but I add entries eve...