Sa Isang kagubatan may dalawang kawayang naguumpugan sa hindi malamang kadahilanan nabiyak ang kawayan at nabuo ang dalawang nilalang na magsasama habang buhay sila ay si Malakas at Maganda na kapwa nagising sa matagal na pagkakahimbing .
Inalog ni Elena si Ylona Jean habang nagtuturo ang kanilang guro
"Hoy bestie! gising ka na baka makita ka ni Miss. Catigbac na natutulog na naman."
Habang nagtuturo si Miss. Catigbac napansin niyang nakayuko at tulog na tulog ang kanyang estudyante .agad niyang binulyawan ang natutulog na estudyante
"Miss. Ylona Jean dela Cruz mukhang nagkamali ka ata ng silid na napuntahan hindi ito ang iyong tahanan kaya wala kang karapatan na matulog during lesson hours ..kung tinatamad ka sa aking pagtuturo at ayaw mo matuto bukas ang pinto ng silid .. you can go .. NOW!! " Pasigaw na sinabi ni Miss. Catigbac
Dala ang kanyang backbag at headset na isinuot sa tenga agad na umalis si Ylona Jean .
"Class wag ninyo gayahin ang estudyanteng yan na walang natutuhan .. I mark her absent we may now proceed to our lesson " sabi ni Miss Catigbac
Ylona Jean dela Cruz, 20 years old was a dumb student in the class. A 2nd year student taking business administration.
Maganda matangkad at maganda hubog ng katawan kung ano ang ikinaganda niya yun naman ang ikina-pilya niya . below average student minsan sadsad sa pagkapasang awa ang grades niya irresponsible palaging late at absent. palagi rin siyang laman ng guidance office dahil sa dami ng kalokohang ginagawa niya . Pinapaiyak niya mga kaklase niyang lalaki dahil madalas na pambabasted .inaaway niya ang mga kaklase niyang babae dahil di siya ginagawan ng assignments at nambubully. she's a beautiful monster in a making. Kung hindi lang kumpare ng papa niya ang may ari ng eskwelahan walang tatanggap sa kanya nakailang palipat lipat siya ng eskwelahan.
Sa Isang malaking gusali sa Taguig City may isang gwapong lalaki. He's 30 years old . He's one of the company's premiere rookie.Top Male sales executive. Nag-iisang tagapagmana at future CEO sa isang commercial advertising Corporation.
Kasalukuyang nasa opisina si Mr. Henry Villanueva, inaayos at tinapos niya ang kanyang trabaho ng mas maaga kesa sa inaasahan at exactly 2pm he already finished his commitment ganun siya ka organized, well mannered sa lahat ng bagay at gusto niyang hindi magulo ang kanyang schedule and workplace as well. bored maituturing ang kanyang nakasanayang buhay office, meetings, gatherings bahay paulit ulit na eksena na minsan nastressed na siya ng sobra.
Tinawag niya ang kanyang assistant
"Miss. Gomez can you excuse me for a second"
"yes sir?"
"can you kindly take over for a moment I'll just doing something very important"
"okey sir, but wait sir you have a client meeting at 3pm"
"please!!!"
"okey sir icacancel ko na muna"
"okey thanks "
Agad na umalis ang assistant niya papunta sa kanyang desk.
Habang si Henry Villanueva ay pumunta ng comfort room nagbihis from suit to ragged jeans from long sleeve to designed t-shirt at from lathered shoes to rubber shoes wearing cap and dark sunglasses and jacket with hood. Lihim siyang umalis ng opisina.
"sir tapos na po ba kayong mag CR may papipirmahanpo sana ako" aniya ng assistant
"sir are you still there ?? I"m coming in na po!!" kilig ang asssitant na buksan ang pinto dahil matagal na rin niyang crush ang kanyang boss di lang siya mapansin nito.
Nagulat siya at walang tao " oh.. my gosh! asan na siya??"
she receives a note at her boss office " you can get an early leave now you may go home early and dont wait forme I'll never come back meet me again by tomorrow morning"
"hay!! naku boss umalis ka na naman ng walang pasabi.. " sabay halik sa papel na sinulatan ng boss niya
"pasalamat ka crush kita kahit ubod ka ng suplado at strikto... Haaayyy! napasandal siya sa gilid ng pader at kinikilig na paulit ulit binabasa ang mensahe ng boss niya.
Sakay si Henry sa isang elevator ng may biglang humawak sa kamay niya mula sa likuran , Isang batang lalaki ang humawak sa kanya
"hey daddy where are you going?"
"Ismael anak nagulat ako sayo"
Agad niyang ginagap ang bata at niyakap.
"musta school mo nak? saka asan ang yaya mo?" pagtataka niyang hinanap ang nagaalaga sa anak
"daddy dont you worry wag kayong maingay tinakasan ko si yaya luz..ayun ohh" habang pababa sila ng glass elevator kitang kita ni Henry ang pagkabalisa ng yaya kakahanap sa kanyang anak .
"anak dont do that again kawawa naman si yaya Luz mo look at me pakiusap sayo ni daddy wag ka na palaging tatakas sa yaya mo maliwanag ba?"
"yes dad pero teka why are you wearing like that"
"dad is on the mission"
"dad sama ako please"
"next time anak for the meantime go play with your yaya and balita ko maraming pokemon go ang naglipana sa establishment dito"
"really okey dad I'm going to cathe them all"
"thats the spirit anak "
ng makababa ang elevator naunang lumabas ang bata para salubungin ang kanyang yaya agad na umiba ng daan si henry para di siya mapansin ng yaya. Nakalabas siya ng gusali ng walang nakakapansin sa kanya.
