- True Love √

27 0 0
                                        

ONE - SHOT.

[ Third Person's Pov. ]

- Puno ng Mangga -

May isang babaeng napaka-gandang naka-upo sa puno ng mangga nag-babasa ito ng libro. Mag-isa itong nag-babasa sa punong iyon. Gusto niya kasi itong pinupuntahan dahil sa subrang ganda ng view at masarap tumambay dito pag-sapit ng alas kwatro ng hapon. Habang nag-babasa si Princess Xyrie  Oh mass kilala bilang Xyrie nahagip ng Mata niya ang lalaking naka-talikod sa kabilang Puno hindi ito nakaharap sa kanya para itong yello na hindi gumagalaw naka-tingin lang si Xyrie sa lalaking naka-talikod.

Dahil mag-gagabi na ay agad na tumayo si Xyrie at kinuha niya ang mga binabasa niya. Nakangiti siyang umuwi ng araw na iyon. Mag-isa lang sa buhay si Xyrie walang kumaka-usap sa kanya ni walang pumapansin sa kanya. Nasanay na siya na araw-araw siyang dinidedma ng mga taong naka-paligid sa kanya.

Ng sumunod na araw ay lagi na siyang pumupunta sa punong iyon. Lagi siyang naka-upo sa puno ng mangga at tahimik na nag-babasa ng sari-saring kwento?
Pero ang pinag-tataka ni Xyrie sino ang lalaking laging naka-upo doon sa kabilang puno at bakit ayaw siya nitong kausapin lagi itong naka-itim para itong Gangster kung titignan. Lagi itong naka-talikod sa kanya nag-taka ng husto si Xyrie kung bakit walang pumapansin sa kanya.

".May-nakakahawa ba akung sakit? Bakit ayaw nila akung pansinin ni ayaw nila akung tignan. Panget ba ako."  =__=

Biglang nalungkot ang maamong mukha ni Xyrie sa naisip?
Siguro nga ay panget siya kaya walang pumapansin sa kanya.

Ng sumunod na araw hindi na siya bumalik sa punong iyon. Puno ng lungkot at hinagpis ang puso niya hindi niya mawari kung bakit?

Wala ba akung pamilya bakit ang tagal ko ng naka-tira dito pero ni anino ng mga magulang ko wala akung makita. Walang pumapansin saakin para akung hangin sa kanila. :"(

Malungkot na naka-tingin si Xyrie sa labas ng bintana ng kanyang kwarto at tahimik na umiiyak.

Ganito pala ang feeling ng nag-iisa.

Naibulong nalang ni Xyrie sa hangin ang mga katagang iyon.

[ Thomas Kent Welson..]

Dalawang taon na ang naka-lipas. Mag-mula ng iwan mo ko. Dalawang taon narin akung nag-luluksa at nag-dudusa.
Hanggang kailan ako mangungulila sa iyo. Bakit hindi ko parin matanggap na iniwan muna ako. Bakit hindi ko parin matanggap na wala kana at impossible ng bumalik ka saakin. Bakit hindi ko parin matanggap na iniwan muna ako. :"(( 

BAKIT HANGGANG NGAYON IKAW AT IKAW PARIN ANG HINAHANAP NG PUSO KO.

Napa-iyak ako ng malakas habang naka-upo sa isang puno. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dalawang taon na akung ganito.

Paulit-ulit.... Paulit-ulit kung pinaparusahan ang sarili ko?
Paulit-ulit akung Umaasa na babalik siya at panaginip lang ang lahat. Pero dahil sa Paulit-ulit na iyon para na akung sira-ulo. Araw-araw akung nag-papakatanga. Araw-araw akung umaasa. :"((

Naalala ko pa nung Huli kaming mag-kasama.

[FLASHBACK]

Kent's POV.

Naka-upo kaming dalawa habang mag-kayakap. Pariho kaming naka-tingin sa malayo. Pariho kaming naka-ngiti?

Gusto ko yung palagi kaming ganito mag-hawak ang kamay at parihong naka-ngiti sa camera.
Gusto ko yung lagi kaming mag-kasama.

".Babe kailangan mo ba talagang umalis Wag ka nalang umalis please."

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Sinubsub ko ang mukha ko sa leeg niya. Ayoko siyang umalis.

True Love.√ ❤Bağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin