Small World

41 1 0
                                    

It's been a week since Joshua & Jane met. Di pa rin nakakalimutan ni Joshua ang lahat lalo na si Jane. Araw-araw niyang kinukulit si Josie na pumunta ulit sila sa RNS. Di naman pumapayag ang kaibigan niya dahil wala naman ipapadala ang Mama nito. Hanggang sa...

Panget, pupunta ako RNS bukas. Dadalhin ko yung mga leche flan na ibebenta sa mga empleyado dun. Pumunta ka na lang dito sa umaga. Mga 8. Walang magbibitbit.

Laman ng text ni Josie sa bestfriend. Pagkareceive nito ay napatalon si Joshua sabay sigaw, "Yes!!"

Sige Pandak. Punta na lang ako jan. Salamat! I love you talaga! Hulog ka ng langit! 😂

Reply ni Joshua sa kaibigan. Bigla namang pumasok ang tatay ni Joshua. "Anong meron anak? Masaya ka ata. May pasigaw-sigaw ka pa", tanong ng ama.

"Sobrang lakas ba Pa? Pasensiya na po", saka linagay ang cellphone sa bag at linapitan ang ama para kunin ang ibang dala nito. "Nagtext po kase si Josie. Pupunta daw po siya sa RNS bukas. Sasamahan ko po sana. Pwede po ba Pa?", habang inaayos naman niya ang mga pinamili ng Papa niya.

"Naku parang alam ko na. Dahil na naman ba dun sa babaeng nakilala mo?", sabi ng tatay habang pinagmamasdan ang anak na nag-aayos ng mga pinamili niya.

Napangiti si Joshua. "Kasama na po yun Pa."

"Kasama na yun o yun talaga? Haynaku anak. Di mo ko maloloko sa mga ganyan. Lalaki din ang Papa mo."

Nagtawanan ang mag-ama. Linapitan ng ama ang anak at ginulo-gulo ang buhok ni Joshua. "Binata na talaga ang anak ko. Pero ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya kahit naka-3 girlfriends ka na."

"Iba po kase talaga siya Pa. Alam mo yung tumitigil talaga ang mundo mo. Ganun", abot-tenga na naman ang ngiti ng binatilyo.

"Ayos lang naman yan anak. Pero wag magmamadali. Maging responsable ka din jan sa mga nararamdaman mo"

"Opo Pa."

"Oh siya sige. Tapusin mo na yan at samahan mo ko magdeliver ng mga prutas dun sa palengke"

"Akala ko po ba Pa bukas pa yun"

"Diba aalis ka bukas?"

Napangiti ulit si Joshua. "Pinapayagan mo na po ako?"

"Masaya ka naman diba?"

Tumango si Joshua, di pa rin nawawala amg ngiti sa mga labi at mata.

"Eh di masaya na rin si Papa"

"Yes! Salamat Pa", yinakap ng mahigpit ang ama.

Next day, maagang nagising si Joshua. He chose to wear his favorite blue polo shirt. Nagpabango pa at naglagay ng gel. 8am ang usapan nila ni Josie pero 6am pa lang ay ready na siya. Nagpaalam na siya sa Papa niya at nakarating ng 6:30 kina Josie since wala naman pang traffic. Pinapasok naman siya agad ng Nanay ni Josie at pinaupo sa sala. "Kumain ka na ba Joshua? Halika at mag-almusal", pagyaya ng ina ni Josie.

"Kumain na po ako Tita bago umalis. Salamat na lang po"

"Ganun ba? Oh siya sige. Antayin mo na lang si Josie. Ginising ko na rin naman", sabi ng Nanay ni Josie habang naghahanda ng breakfast.

"Sige po Tita. Okay lang po", saka kumuha ng magazine at nagbasa-basa.

Few minutes more ay bumaba na din si Josie. Pahikab hikab pa siyang lumalapit kay Joshua na nakaupo sa sala. "Ba't ang aga mo? Diba sabi ko 8?"

ALMOSTWhere stories live. Discover now