"Okay..." Babawi na lang ako kay Ethan. . .

***

Nag bell na kaya uwian na namin. At papunta na kami ngayon sa mall para bumili ng headset ni Kai.

"Ay, hindi ko pala dala 'yung kotse ko," sabi ni Ethan.

"Eh, ako din e," sabi din ni Kai. Kaming dalawa lang talaga ni Twittle ang walang kotse. Gusto ko na talagang magkakotse e! Ayaw kasi ni Daddy baka daw maaksidente ako.

"Malapit lang namam 'yung mall, 'di ba? Sumakay na lang tayo ng jeep?" Jeep?! Hindi pa ako nakakasakay sa jeep! Natatakot ako du'n e. Ewan ko ba!

"Jeep? Ayoko du'n!"

"O, bakit? Hindi ka pa ba nakakasakay du'n?" Tanong ni Ethan sa'kin.

"N-nakasakay na. K-kasi 'di ba mahal pamasahe du'n? Mas mahal pa ata 'yun sa taxi e! Taxi na lang? Ay, hindi! Ayoko din du'n este w-wala, ano na la—"

Nakita kong mukhang tawang-tawa na sila sa'kin. Obvious atang hindi pa ako nakakasakay. Jusmeeee!

"Ano ka ba, Cassandra! Eight pesos lang pamasahe du'n! Mas mahal ka diyan." Okay. Napahiya ako. Akala ko nasa P50 na pamasahe du'n e! Sorry naman. Pretty lang hindi perfect!

"J-joke lang syempre 'yun, Kyline. Alam ko naman 'yun. Joke lang 'yun! He-he-he joke. . ." kung joke man 'yun ay 'yun na ata 'yung pinakakorning joke!

"Ano tara na? Baka magjoke ulit si Cassy. Tara!" Nauna nang umalis ang nang-aasar na si Kai at sinundan naman ni Twittle. Oh, e 'di kayo na may experience sumakay ng Jeep!

"Cassy, tara?" 'Di ko pinansin ang tanong ni Ethan. Natatawa 'yung mukha niya e! Hmp!

"Uy, Cassy! Hindi naman ako natatawa sa 'JOKE' mo e. Nacu-cute'tan lang ako sa'yo." Diniin niya pa talaga 'yung pagkasabi niya ng 'Joke'.

"Ewan ko sa inyo!" Binilisan ko pa 'yung paglalakad ko para habulin sila Kai na nag-aabang ng jeep.

"Oo na, Cassy. Nakasakay ka na ng jeep! Hindi na kami tatawa." Nyenyenye. Nangaasar pa!

"Hindi pa nga ako nakasakay— ay! Nakasakay na ako! Hesh! Ewan!" May humintong jeep na sa harap namin. Agad na pumasok du'n si Kai at Twittle kaya bigla akong napahawak kay Ethan. Ang haba naman ng upuan tapos tatlo pa lang ang pasahero. Umupo na lang ako sa pinaka dulo, sa may likod ng driver.

"Uy, Cassy. Ang layo mo ah? Dito ka lang," sabi ni Kai na natatawa na naman. Uggh! Mukha akong ignorante!

"Mag... M-magbabayad kasi ako. Wag nga kayo!" Nilabas ko 'yung wallet ko at kumuha ng P8 saka ibinayad kay manong driver.

"Kuya, bayad po..."

"Saan galing?"

"Sa akin?" Malamang sa 'kin 'di ba? Boplaks naman nito.

"Sa'n punta?" Uggh! Slow naman nito!!

"Malamang sa inyo po?"

"Ang gulo mo, neng!" Aba't— ako pa 'yung magulo ha? Pasipa ko 'to kay Darren Jr. ko e!

"Mas magulo ka, kuya!" Umusog ako hanggang sa tabi ni Kai. Nangiinis din 'tong si manong e! Watta day!

Tumingin tuloy sa'kin 'yung ibang pasahero. Subukan niyong tumawa! Banta ng isip ko.

"Hahaha! Kuya wag niyo nang pansinin. Bayad ho." Inabot sa'kin ni Kai 'yung bayad niya. Driver ba ako? Kundoktor?

"Anong gagawin ko dito?"

"'Bayad mo kay manong driver?"

"Ba't ako? Ayoko! Hindi kami bati ni manong driver." Kinuha sa 'kin ni Kai at siya na ang nagbayad. Uutusan pa ako, siya din naman gagawa. Pinagtritripan ata nila ako e.

"Uy, selfie tayo guys!" Yaya ni Kai sa'min at nilabas 'yung phone niya.

"Sige!" Masayang sabi ni Twittle.

Kahit ayaw ko ay ngumiti na lang din ako sa camera. Tumahimik na din kami pagtapos. Maya-maya'y nagbeep 'yung phone ko.

Kyline Alcantara tagged you and 2 others in a post

Clinick ko ka'gad 'yun. At napa-face palm na lang ako sa caption.

Kyline Alcantara

With the squad ✖✖ #FirstTimeNiCassySumakayNgJeep #PeaceCassy #AngHabaNgHashtagKoLOL

"Kylineee!!" Pinagkalat talaga e 'no!

"Para po! Tara na!!" Bigla namang huminto 'yung jeep at bumaba na sila.

Tumawid kami at pumasok na sa entrance ng mall.

"Kai, delete mo 'yun!" Nakangiti lang siya sa'kin. Naiinis na ako!

"You know what? I'm already pissed! Uuwi na ako."

"Sasakay ka ulit ng jeep?"

"H-hindi!" Syempre hindi na. Mamaya aawayin ko na naman 'yung driver e.

"So, sasama ka o hindi?" Hindi ako sumagot at nalakad na lang ako. Kung 'di lang jeep ang sasakyan ko, uuwi na talaga ako. Bakit kasi walang dumadaan na taxi du'n!

Babawi ako kay Kyline! Kung ako sa jeep ayaw sumakay, siya naman sa taxi. *😁*

May nagbabasa pa ba nito? Hahaha. ♥ 

My Idol, My Husband- Cassren (On-going)Where stories live. Discover now