A/N: Kapag po may ganito "--" flashback po yan. Kapag bumalik na sa ganito "***" present na po siya ulit.
Dedicated kay guinevere1105. Nakakatuwa, ang dami niyang mystery stories. Read niyo rin stories niya :)
XVIII. Leave or Live? Stay or Die?
Malayo ang kanyang tingin habang bumubuga ng marijuana. Lumulutang ang kanyang pakiramdam, ngunit kakaiba ang pagka-lutang ng Supremo ngayong gabi. Ito na nga. Nararamdaman niya na.
Nag-iinit ang medalyon na nakasabit sa kanyang leeg. At batid niya ang ibig iparating nito.
Kailangan nang maisalin ng medalyon.
Ganunpaman ay hindi siya nakaramdam ng kalungkutan. Katunayan ay gusto niyang ipagmalaki ang kanyang anak dahil nagtagumpay ito sa kanyang misyon. Isa na namang propesiya ang naganap. Siyam na buwan mula ngayon ay isisilang na ang bagong Eius.
Sa gitna ng malalim na pagiisip ay nakarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Nakakapagtakang napaka-aga ay may bisita na agad siya. Nang papasukin niya ito ay pumasok sa silid si Gudo kasama ang babaeng si Alleria.
Hindi niya napigilang maningkit ang mata. Ang babaeng kasama ni Gudo ay ang matalik na kaibigan ng pinaka kinamumuhian niyang babae.
"May sasabihin daw siya kamahalan." ani Gudo.
Tumango siya bilang pagpayag. Lumabas naman si Gudo ng silid at iniwan silang dalawa ni Alleria sa loob.
"Nagkaroon ako ng pangitain tungkol sa Eius at Mullieris.." saad ni Alleria.
Hindi siya nagsalita dahil akala niya'y itutuloy nito ang sasabihin. Lumipas ang ilang segundo ngunit nanatili pa ring tahimik ang babae kaya napilitan na siyang mang-usisa.
"Ano ang nakita mong pangitain?"
Bumuntong hininga muna si Alleria bago magsalita. "Bago ko sabihin, may hihingin akong kapalit.."
***
Pinindot mo na ang End Call sayong cellphone. Kakatapos mo lang tumawag sayong Daddy at katakut-takot na sermon ang inabot mo dahil ngayon mo lang daw naisipan tumawag. Napag-alaman mong nakauwi na pala sila ng Pinas ngunit nakakalungkot isipin na babalik na sila ng Amerika ngayong araw na hindi mo man lamang nakikita. Isa pang ikinabigla mo ay isasama raw nila ang iyong kuya Chris at nakatakda ka raw sumunod doon sampung araw mula ngayon.
"Pag-iisipan ko Dad.."
Tanda mo pa ang isinagot mo sayong ama. Iyon na lang ang pinili mong isagot dahil batid mong magagalit ito kapag hindi ka pumayag. Kung alam mo lang na gano'n ang paguusapan niyo ay sana pala'y hindi ka na lang tumawag.
Isang malalim na buntong hininga ang iyong pinakawalan. Umagang umaga ngunit nabuburyong ka na. Ngunit nang madako ang tingin mo sayong kama ay hindi mo napigilang mangiti.
Tulog pa rin si Eruel..
Lumapit ka sa kama at marahang umupo. Ngayon mo lang natitigan ng ganito katagal ang binata. Bumalik sa alaala mo ang pangyayari kagabi. Ang kwintas. Ang halik. At ang ligaya..
Sa kabila ng lahat ay wala kang pinagsisisihan sa mga naganap. Alam mong lolokohin mo lang ang 'yong sarili kung sasabihin mong hindi mo ginusto ang nangyari.
Ilang saglit pa ay gumalaw na si Eruel. Gising na siya.
"Good morning!"
Pupungas-pungas na bumati pabalik ang binata. "Aga mo naman magising."
"Ano ka ba, tanghali na kaya. Ikaw lang 'tong takaw tulog."
"Pinagod mo 'ko kagabi." nakangisi niyang sambit.
YOU ARE READING
ELECTIS
Mystery / Thriller-COMPLETED- Leave or live? Stay or die? Walang nakakatakas sa itim na kapangyarihan ng ELECTIS. Cover by xhinitoprinz
