Nagsabay na kaming nag-lakad ni Phil. At nung nasa tapat na kami ng sasakyan niya, nilampasan 'ko lang siya.

"Oh, saan ka pupunta?" sabi ni Phil.

"Uuwi na." 

"Tsk. Ihahatid na nga kita diba?" 

"Umoo lang ako sa harap niya kasi bagong kilala 'ko lang siya. Salamat na lang." hindi 'ko na siya hinintay sumagot at sumakay na ako ng taxi.

Habang nasa biyahe, tinitingnan 'ko sa wallet 'ko yung picture namin ni Bryan. Nakaakbay siya sa akin at nakahalik sa pisngi 'ko. 

Kung pwede 'ko lang sanang bilisan na ang mga pangyayari, gusto 'kong magkasama na uli kami ngayon. Ang hirap lumaban. Ang hirap ng mag-isa..

Gusto 'ko na uli siyang makita, yung ngiti niya, yung yakap at bawat halik niya. Miss na miss 'ko na yun lalo na yung boses niya. Sabik na sabik na uli akong makita siya.. :|

...

...

"Miss? We're here." hindi 'ko namalayan na nakatulog na pala ako. Sobrang pagod na rin kasi.

Inabot 'ko na yung bayad at umakyat na ng unit.

Ang kulit talaga ng lalaking 'to.

Naabutan 'ko si Phil sa tapat ng pinto ng unit 'ko.

Hindi 'ko na sana siya papansinin.. "Erika, sandali.." 

"Bakit ba? Nahihbilo ako. Umuwi ka na nga." 

"Bakit ka ba ganiyan? Hindi ako uuwi. Mag-usap tayo." malungkot na yung tono niya.

I smirked. "Bakit ako ganito? Bakit hindi mo tanungin sa sarili mo? Sa mga magulang mo at sa tatay 'ko? Kayo may gusto nito diba?" 

Bumuntong hininga siya at tumungo.. "Sumunod lang naman ako kasi.. K-kasi.. M-mahal kita.." 

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now