"Beeeesssss!! Bes! Gising na! Ano ka ba naman! Lagi ka nalang late nagigising! Bangon na dyan!"bunganga nya nanaman umaarangkada. Ang aga-aga eh!
"Mmm" ungol ko nalang sa kanya. Inaantok pa kaya ako.
"Ano na naman ba kasi ang ginawa mo kagabi? Bakit puyat ka?"
"Aiissshh! Basta! Hintayin mo nalang ako sa baba Farrah. Maliligo lang ako." Sabi ko sa kanya. Sya nga pala ang bestfriend ko. At kung nagtataka kayo kung bakit sya nandito, well magkasama talaga kaming nakatira dito sa condo.
"Oo na nga. Dalian mo ah.. pupunta tayo ng mall! Hihihi."
"Yeah. I know."
Dali-dali na akong pumunta sa banyo at ginawa ang morning routine ko.
Pagkatapos kong gawin lahat ng cheverlu ko sa katawan ko ay bumaba na ako. Agad naman kaming umalis ni Farrah.
******
[Sa Mall]
"Bes! Bes! Dun muna tayo sa National Bookstore!" Sigaw nya sa akin. Gaano ba ako kalayo para sigaw sigawan nya. Nakakahiya sya. Charr. Hahahaha..
"Gaaahhh! Bes naman eh! Gutom na ako.... kain muna tayo puhleaaassseee...." *pouts*
"Gaga! May pa-pout pout ka pang nalalaman dyan. Hilahin ko yang nguso mo!" Sabay akmang hihilain nya na nguso ko.
"Joke lang naman Bes! Am I not cute with that gesture?"
"Brrrr! Mandiri ka bes! Maghunus-dili ka" Loka talaga 'to.
"Farrah~ halika na muna.. dun muna tayo sa korean restau."
"Sige na nga! Halika na."
*****
Tapos na kaming kumain kaya naglalakad na kami papuntang NBS. Ayyyy.. teka, kanina pa ako daldal ng daldal dito pero hanggang ngayon hindi nyo pa ako kilala.
By the way ako nga pala si Miszy Scarlet Dauntless 17 years of age at nag aaral sa Silverstone University. At 'tong kasama kong lokaret na 'to ay si Nichloe Farrah Vasquez 17 din at parehas lang kami ng pinapasukang university.
"Gaga! Kanina ka pa nakatayo dyan sa entrance. Wala ka bang balak pumasok? Baka gusto mong ikaw ang pumalit kay kuyang guard. Saglit lang at i-aaply na kita sa loob." Sabi ni Farrah. Baliw na talaga sya.
"Loka! Tara na nga. Ano ba yung gusto mong bilhin dito?" Tanong ko nalang sa kanya.
"Libro yun na puro Psychological Facts ang laman." Saad nya. Nagulat naman daw ako. Hindi ko alam na may interes pala sya sa ganun.
"Wow naman Bes! Tumatalino ka na ata ah!. Congrats! Congrats!" Sabay palakpak pa. XD
Bigla nya akong binatukan.
"Papansin ka talaga! Alam kong matalino na ako kaya hindi mo na kailangan pang ipangalandakan. That's my secret y'know" Hahahaha! That's my BFF! <3
****
Andito na kami ngayon sa condo namin. Pumunta na sya sa jwarto nya at ganun din ako.
Hayyyss! Grabe. Nakakapagod ang araw na 'to. Matutulog muna ako readers. Bye bye! Mwahugs! :-* 💋
~--------
Yesh! Tapos na chappie 1. Enjoy reading mga be.
~Ladyinpurp101
YOU ARE READING
4 Minute Love
Teen FictionPrologue "Psychology says that it is posible to fall in love in just 4 minute---" "The heck bes! Ano ba naman yang binabasa mo dyan! Parang abnormal. Pwede ba namang mainlove ka sa loob lang ng 4 minutes?!" ***** Dati talaga hindi ako naniniwala dya...
