Chapter 33: Karma

Começar do início
                                    

Napatahimik na lang sya.

Kilala ko si John.

Kapag alam nyang mainit na talaga ang ulo ko.

Tahimik lang sya.

Well madalas naman ganyan sya eh.

Pero nakakapikon minsan yung sa haba-haba ng sinabi mo, wala man lang sinabi.

Parang sa text, sa pagkahaba-haba ng text mo tapos ang reply ng katext mo, K. lang? pakyu po! >.<

Mabuti pa nga sa text may 'K' eh sa kanya wala. Nganga!

*cough* *sniff*

J: "Uminom ka na ga ulit ng gamot?"

"Wag mo na rin pakelaman ang paginom ko ng gamot. Tumirik man ang mata ko di-ne sa sama ng pakiramdam. Wala kang pakealam, mas okay pa nga yon, para lalo mo ng magawa ang gusto mo."

J: "Hindi ako ganyan, mahal pa rin kita. Alam mo yan."

"Ngayon lang ako nakakita ng mahal ka, ang bait pa rin sayo, concern pa rin sayo pero iba na ang dine-date, iba na ang hinawakan ang kamay, at iba na ang mahal. Anong gusto mo John, sayo ang lahat? Ano yan, sayo dinedicate ni Daniel Padilla ang kantang NASA YO NA ANG LAHAT? Paki-explain!"

J: "Hindi pa naman kami ni Alyna."

"Wow! HHWW na tapos magka-date, tapos inuuwi sa bahay, ano yun MU? Mag-Un? Gago ka!"

J: "She's just special."

"Special, tapos nakipaghiwalay ka sakin dahil sa kanya?! Tapos kanina, kulang na lang ipamukha mo sakin na may iba ka na? Anong kagaguhan yang ginagawa mo ha?"

J: "Kulang ka sa suporta at tiwala Jam, lahat ng kulang at sobrang sobra mo, sya ang nagbabalance."

"Yun naman pala eh, bakit hindi mo pa ginawang timbangan yang shota mo, magaling palang magbalance e!"

J: "Inunahan lang din naman kita sa pkikipag-break dahil alam ko gagawin mo yon dahil sa nakita mo saming dalawa ni Alyna."

"Bakit, sa tingin mo may babaeng matutuwa sa ginawa mong gunggong ka?!"

J: "Pero sa totoo lang, isang reason din kung bakit kita pinabalik dito dahil di ako sanay na wala ka sa bahay."

"Ano ako katulong mo?!"

J: "Hindi naman Jam. Hindi rin madali sakin ang lahat, pero kailangan kong umayon sa kung ano ang dapat gawin, alam ko ako ang may kasalanan. Di ko mapapatawad ang sarili ko dahil niloko kita, di ko sinasadya."

"John! Wag mong sabihin sakin na hindi mo sinasadya, dahil ginusto mo yan. Para kang may sapak sa ulo, ibat iba ang rason mo. Pero tuluyan ng nawala ang tiwala ko sayo, at hindi na tayo.Ano pang sense ng pag-eexplain mo?"

J: "Sabi ko nga, dapat di na lang ako nagpaliwanag ulit. Pero un ang totoo, isa na rin ang singsing, pero alam mo na ramdam mo pa rin na mahal pa rin kita."

"Sa totoo lang, okay na sana ang simpleng SORRY DI KO NA UULITIN, kaso hindi, anong ginawa mo? Nakipaghiwalay ka at pinili mong ipagpatuloy ang kalokohan nyong dalawa. Sige lang, wala na akong pakealam! Anong tingin mo? Magmumukmok ako sayo at magmamakaawa? Okay na sakin ang mga iniyak ko John, magiging malakas ako para sa sarili ko. At hinding hindi mo na maibabalik yung dati, sinira mo na ang tiwala ko, at kahit pa makipagbalikan ka ngayon at sabihin na hindi naman kayo ni Alyna, di mo na makukuha ng buo ang tiwala at pagmamahal ko. Walang pangalawang pagkakataon para sa mga taong hindi naman worth ng pagkakataon na yon."

Nasasaktan na naman ako.

Pinaalala nya na naman yung sakit eh.

Pero hindi mo matitibag kung ano mang pundasyon ang meron ako para muli kang patawarin.

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Onde histórias criam vida. Descubra agora