Chap. 5 - An Unexpected Revelation

54 1 0
                                        

John's POV~

*Calling Blair Silvia....* 

"The number you have dialed is not available. Please try again later"

"Haaaaaaaaay~ I give up hindi talaga niya sinasagot ang tawag ko."

"Bakit John sino ba yang tinatawagan mo? Gf mo ba?"

"Sira best friend ko ang tinatawagan ko."

"Best friend nga lang ba?"

"Oo! -___________-"

"If you say so..." 

*sighs* Parang ewan tong si JR, nag-aalala lang naman ako kay Blair pero kung anu-ano pa ang sinasabe. Pero ano na nga ba ang nangyari kay Blair?  Two weeks na'kong tumatawag o kaya nagtetext sa kanya pero ni isang sagot wala.

I'm really worried about her kasi from what happened last time mukhang sobrang na-shock siya dun. Well sino nga bang hindi magugulat dun? Ikaw ba kapag nakita mo ang bf or gf mo na may kahalikang iba hindi kaba masho-shock?

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay nung tinawag ko si Blair nung papatakbo na siya, napalingon sa amin yung boyfriend niya pero parang hindi man lang siya nagulat na nakita siya ni Blair. Para bang gusto niya na mahuli talaga siya. Pero hindi naman siguro kasi ano pa bang hahanapin ng isang lalaki sa isang babae? Halos lahat nakay Blair na. She's kind, sweet, loving, smart, has a good sense of humor and she's also pretty. 

"Arrrrghhhh!! Tssssk. Hindi pwede to! JR aalis muna ako, ikaw na bahalang magsabi kay mom na umalis ako."

"Sure dude"

At yun na nga, pinuntahan ko na si Blair sa bahay nila hindi na kasi ako makatiis na wala akong ginagawa after I saw that scene. Pero nung nakarating ako sa bahay nila sinabe ni tita (mom ni Blair) na umalis daw si Blair. Pumunta daw siya sa may park at makikipag-kita siya kay Alexis. (bf ni Blair)

Nagkita sila? Siguro nag-sorry yung Alexis kaya nag-decide silang magkita. I hope magka-ayos na sila, ayoko naman na nakikita ang best friend ko na nasasaktan. It just hurts my chest lalo na kung nakikita ko silang umiiyak.

Pero hindi parin ako mapakali hangga't di ako nakakasiguro na ayos na si Blair kaya nag-desisyon akong pumunta sa park na sinabe ni tita na pagkikitaan nila Blair.

At pagkatapos akong makapag-lakad lakad around the park nakita ko na rin si Blair sa wakas. Naka upo siya sa may harap siya ng fountain ng park. Ngayon ko lang napansin, ba't nga ba ang hilig ni Blair na pinaghahanap niya ako? Haaay eto nanaman ako sa childish personality ko. 

Nung papalapit na'ko kay Blair napansin ko na mukhang namayat siya. And she looks kinda pale. May hawak din siyang isang necklace habang nakayuko and there's also a little box with a letter beside her.

"Blair?" Mahinang sabi ko sa kanya.

"..............................." Tiningala lang niya ako habang hawak parin niya yung necklace.

"Blair, are you alright? What happened? Sabi ni tita nagkita daw kayo ng boy friend mo."

 "Yes I'm alright. At oo nagkita nga kami."

"So how did it go? Nagka-ayos naba kayo?"

She just smiled at me tapos inabot niya sa akin yung letter na nasa tabi niya and said.. "Read it." Sinunod ko nalang yung sinabe niya at binasa ko yung letter. 

Ito ang nakalagay sa letter:

"Dear Blair, 

             First of all I'm sorry. Wala akong lakas ng loob na harapin ka after all alam kong nakita mo ako na may kahalikan the other day kaya sa letter na ito ko nalang sasabihin sayo ang lahat. Actually that girl is my girl friend. We've been together since we were in high school. And to be frank, ever since na naging tayo niloloko na kita. Hindi kita mahal nung naging tayo pero kahit papaano natutuhan kitang mahalin ng nagtagal pero kahit ganun hindi ko pa rin kayang iwanan si Jade kasi siya talaga ang mahal ko at hindi ikaw. Matagal ko nang balak sabihin sayo ito pero hindi ko masabi sayo kasi alam kong masasaktan ka ng sobra hanggang sa umabot na sa ganitong katagal ang relasyon natin. At ngayon pinuputol ko na kung ano man ang namamagitan sa atin. Ibininabalik ko na rin sayo ang binigay mong kwintas sa akin kasi hindi ko kayang tanggapin yun dahil alam kong binigay mo iyon sa akin na kasama ang pagmamahal mo. Alam kong hindi mo ako mapapatawad ngayon pero sana balang araw mapatawad mo rin ako. I'm very sorry.

                                                                                                            -Alexis Lee"

After I read the letter, natulala lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa nilalaman ng letter na yun. Tinignan ko ulit si Blair at may hindi maipaliwanag na sad aura sa kanya. Napansin ko na nawala yung kinang sa mga mata niya. She looks so lifeless.

And she suddenly said...

"So I was being an idiot right from the very start. I can't believe that I was being fooled for a very long time."

"Blair.."

"How could he do this? Kung hindi niya pala ako mahal right from the very start bakit siya pumayag na makipag-relasyon sa akin?"

"......................................." Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Her voice, it's like it's gonna croak. Yung parang nababasag ang kanyang boses na parang hindi mo kayang pakinggan kasi naninikip ang dibdib mo.

"I don't understand. Ginawa ko naman ang lahat diba? I tried my best to be the best girl friend he could have, pero bakit ganun?" She's starting to breathe heavily and tears are starting to fall from her eyes. Tinignan niya ako sa mga mata at sinabing "Am I no good?"

"Blair, that's not true. You have everything a guy could wish of."

"Then why?! Bakit kailangan niyang magsinungaling ng ganon katagal?!! Bakit hindi nalang niya sinabi sa umpisa pa lang? BAKIT?!!!" Napatayo siya nung sinasabi niya yun sa akin.

"I, I don't know." Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko na kayang tignan pa siya. She looks so hopeless. Tears are overflowing from her eyes. At yung boses talaga niya ay pumipiyok na. 

"Wh-why? This can't be happening. Why? Tssssssk! And this necklace, this is no use now!" Pagkasabi niya nun bigla nalang niyang hinatak from her neck yung kapares na kwintas na binigay niya kay Alexis.

Bigla nalang tumahimik ang surroundings namin. And it's so awkward being here pero nagulat nalang ako ng may nakita kong dugo sa may sahig.

"B-Blair! What are you doing?! Are you out of you mind?!" I suddenly burst out of anger nung nakita ko na yung dugong nasa sahig is from Blair's hands. Dali kong hinawakan yung kamay niya at nung makita ko ang kamay niya punong puno ito ng maliliit na pieces ng glass. Galing to sa necklace na hawak niya kanina kasi nag-clench ang fist niya kaya siguro nabasag ito kasi hour glass yung design ng kwintas kaya gawa yun sa glass. 

"Come with me! Tsssssssk!" 

"He-hey!! Let go of me!"

"Shut up! Hay! Ano ba yan ang sama na ng mga nasasabi ko kasi naman itong si Blair kung hindi niya ginawa yun hindi sana ako magagalit ng ganito.

Sumunod nalang siya sakin habang hawak ko ang kamay niya at dinala ko siya sa bahay namin.

END OF CHAPTER 5 - AN UNEXPECTED REVELATION

~~~~

A PromiseWhere stories live. Discover now