MOVING IN

30.7K 595 75
                                    

Nasanay na kong walang kasama, I was 15 years old when my parents died. Medyo matanda na sila nung nagsimula sila bumuo ng pamilya, kaya maaga din ng iwan nila kami. Nagkaron na kami ng kanya kanyang buhay, all I got now is my brother Terence, he's older than me at may sarili na syang pamilya. Niyaya nya ako na tumira nalang sakanila kasama ang pamilya nya, pero ayoko naman maging pabigat. I promised Mama na I will do my best at magpapakatatag ako sa buhay. Easy to say. Pero saludo ako sa parents ko na pinalaki kami kahit gaano pa kahirap ang buhay, sabi nga nila, ma-a-appreciate mo lang ang isang bagay kapag wala na. Dahil sa ayoko na maging pabigat pa sa kahit na sino, I decided to rent my own apartment. Medyo luma na yung nakuha ko, at nasa magulong lugar. Wala din tao masyado sa building na iyon, which is mas okay saakin. Ayoko ng maiingay na kapitbahay, gusto ko ng tahimik na lugar.

"Knock knock!" Ayan na at dumating na si kuya Terence, lahat ng gamit ko naka box na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Knock knock!" Ayan na at dumating na si kuya Terence, lahat ng gamit ko naka box na. Naka maleta na ang mga damit. Pakiramdam ko pupunta ako ng ibang bansa, sobrang mamimiss ko tong bahay na to. Ang daming memories namin nila kuya dito.

"Kuya, naka ready na mga gamit ko"
"Sigurado kanaba? Ayaw mo na samin nalang?"
"Kuya okay lang ako. Tsaka nakakahiya kay ate Pat na makikisiksik pa ko dun!"
"Mas gusto nya din na dun ka, delikado na kasi panahon ngayon."
"Kuya may nakuha na kong room. Wala ng atrasan. Big girl na ko."
"Ikaw bahala. Basta pag may kelangan ka, sabihin mo lang sakin."

Nagsimula na kaming maghakot ng mga gamit, at inilagay sa kotse ni kuya Terence. Ito yung kotse na iniwan sakanya ni Papa, lumang Honda pero gumagana pa. Hindi magawang palitan ni kuya Terence dahil pakiramdam nya sasama ang loob ni Papa. Madami din kaming memories sa kotse na to, kung san san na kami dinala nitong kotse, kaya hanggang ngayon, hindi padin mabitawan ni kuya. Sumakay ako sa harap, at bumyahe na kami papunta sa lugar kung san ako nakatira. Medyo liblib na lugar sa Batangas ang kinuha ko. Magdidilim na at hindi padin namin matunton yung bahay.

"Nako, dito kapa kumuha ng bahay? Ang layo naman neto sa bahay namin ni ate Pat mo, pano kung may mangyari sayong masama dito?"

"Mura kasi tsaka onti lang tao sa building. Tsaka malapit dito yung work na nakuha ko. Kaya okay na to."

Nakita nadin namin ang building kung san ako titira. Tinawag ko ang nagbabantay sa gate na si kuya Lando, sya ang tumatayong guard sa building na iyon.

"Kuya Lando! Tao po!" Kelangan kong sumigaw dahil madalas nasa loob sya ng kanyang kwarto sa baba malapit sa garahe. Walang doorbell ang building kaya ubos boses talaga sa pagtatawag para mabuksan ang gate. 24 hours nakabantay si kuya Lando sa lugar.

"Mapagkakatiwalaan ba yan si Lando?" Bulong ni kuya habang tumatawag ako ng paulit ulit sa gate. "Oo kuya mabait yan don't worry." Lumabas na si kuya Lando, at binuksan ang gate. "Pasensya na po, naka idlip ako." Mukhang pagod na pagod si kuya Lando sa kanyang trabaho. Paakyat na sana kami ng bigla kong napansin ang mga nakatambak na gamit sa garahe, luma na ang mga ito pero maayos pa ang mga itsura. May nga gamit pang bata, sofa, cabinet, at mga laruan. "Kuya Lando, kanino po yang mga gamit na yan?" Interesadong tanong ko, naisip ko na baka pwede kong bilhin yung sofa. "Ah, sa nagrerenta yan sa taas." Sagot nya na parang gusto nyang iwasan ang tanong ko. "E bakit po nakatambak? Baka pwede kong bilhin yug sofa." Muling tanong ko kay kuya Lando. "Bumili nalang tayo ng bagong sofa, ako ng bahala." Sagot ni kuya, na nagmamadaling umakyat ng hagdan. "Tara na." Tinawag na ako ni kuya Terence, para itaas na ang mga gamit ko sa kwarto. May elevator sa building pero hindi nagana, kaya kelangan mong akyatin ang pagkataas taas na hagdan, madumi nadin ang mga ding ding. Halatang matagal na simula nung inayos nila ang lugar. Walang nagbabantay sa lugar kundi si kuya Lando lang, may dalawang nakatira sa first floor, pero madalas wala yung nakatira sa room 5 dahil nagtatrabaho. At yung isa naman ay pamilya na nakatira sa room 12. Room 302 ang kinuha ko, dahil gusto ko ng tahimik na lugar, at sira sira na ang ibang kwarto sa building.

Nakakapagod yung pagkakagawa sa hagdan, malalaki ang bawat hakbang. 2nd floor palang hingal na hingal na ako. "Kuya Lando, wala bang nakatira dito sa 2nd floor?" Tanong ko kay kuya Lando, huminto ako saglit dahil pagod na pagod ako sa pagakyat kasabay pa ng pagaayos ng gamit ko para makalipat. "Meron, si Tatay Isben. Andun sa dulo, room 212. Sa taas ang wala." Sagot ni kuya Lando na hiningal nadin dahil bitbit nya ang iba kong mga gamit. "E kung dun ka nalang samin. Tigas ng ulo mo." Sabay banat ni kuya Terence. "Maiwan ko na kayo." Sagot ni kuya Lando na nagdali daling bumaba Dire diretso na kaming umakyat at nakarating na sa harap ng pinto kung san ako tutuloy. Nagpaalam na si kuya Lando dahil hindi nya pwede iwan ng matagal yung garahe ng walang tao. Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit ayaw gumana ng susi na binigay saakin ni kuya Lando. "Kuya Lando ayaw mabuksan ng pinto!" Sumigaw at nagbabakasakali na maririnig nya pa ako. "Hoy wag ka sumigaw. May kapitbahay ka." Sita ni kuya Terence saakin. "Sorry naman! Sige kuya ako na bababa, hintayin mo ko, kunin ko pang susi ko." Bigla akong pinigilan ni kuya Terence "ako na, sige na. Dyan kana" agad agad bumaba si kuya Terence. Naiwan ako sa taas. Umupo ako sa sahig, at gumamit ng cellphone ngunit wala masyadong signal. "Malas naman! Walang signal dito kainis!". Tinago ko na ang cellphone ko at napatitig ako sa dulo ng corridor. Sira ang ilaw sa dulo, may tumutulong tubig sa tabi ng kwartong nakuha ko. Lumang luma na ang lugar, sobrang mura kaya kinuha ko tong apartment. Maya maya pa ay may narinig akong paakyat galing sa 2nd floor. Dahan dahan ang pagakyat na para bang ang bigat bigat ng dala nya. "Kuya?!" Napasigaw ako dahil 10minutes na ang lumilipas simula nung bumaba si kuya Terence. Mga sampung hakbang at huminto na ang mga yapak na naririnig ko. I can't see who's going up the stairs, pero I thought si kuya Terence yun. "Kuya?" Ngunit huminto na ang hakbang. Mga limang segundo at tumuloy ng yapak na naririnig ko, hanggang sa nakita ko na yung anino. "Sa wakas! Kuya ang tagal mo. Sabi ko ako na eh!" Nakaupo padin ako at nakasandal sa dingding ng papalapit ko ng makita kung sino yung paakyat, ay biglang tumigil ito. Tanaw ko padin ang anino, pero huminto ito sa pagakyat. "Kuya? Hello? Anong joke yan?" Nagkaripas ng baba yung tao. Baka boarder lang din sa lugar. Kaya hindi ko na pinansin. Mga limang minuto pagkababa nung tao dumating na si kuya Terence. "Grabe! Hinanap pa namin tong susi, grabe naman tong lugar na to. Woo! Hagdan palang pagod na ko" binuksan na ni kuya ang pinto ngunit ayaw padin. "Lintik naman oh. Naiinis na ko. Dun kana samin. Susi lang oh mali mali pa!" Galit na sabi ni kuya. "Ako na nga magbubukas." Sinubukan ko ngunit ayaw padin mabuksan ng pintuan. "Sigurado kabang 302?! Check mo sa iba." Nakasimangot na sagot ni kuya, pawis na pawis na kami dahil kulob ang corridor at walang electricfan man lang. Sinubukan ko sa room 303, at 304 ngunit ayaw mabuksan. "Baka yung isang susi talaga yung sayo?" Hinihingal sa sabi ni kuya Terence. "Hindi, wala naman nakatira dito, kaya kahit saan okay nalang." Wala na akong choice at ayoko nadin mastress si kuya dahil baka ipilit nya pa ang pagtira ko sakanila. Sa dulo kung saan walang ilaw, nandun ang room 305, sinubukan ko ang susi at gumana ito. "Oh eto pala eh." Madaling kinuha ko ang mga gamit ko at ipinasok sa loob. "Sigurado kaba dito? Ang gulo gulo eh." Nagaalala na si kuya saakin. Dahil magulo naman talaga ang lugar na to. "Okay lang ako ano kaba. Tatawag naman ako eh." Hindi ko na sinabi na mahina ang signal sa lugar na to. Dahil baka mas lalo pang magalala si kuya Terence. "Osige, pag may kelangan ka tawagan mo ko. Lock your door always! Bumili ka ng lock na matibay. Okay? Hindi sana ako papayag nung makita ko tong lugar, pero hindi naman kita mapipilit." Nagpaalam na si kuya Terence at naiwan na ako sa loob ng kwarto. Nakakalat pa ang mga gamit ko, pero tinamaan na ako ng antok, hindi ko namalayan nakatulog ako sa sahig. Wala pa akong gamit, pagtapos ko pa sana ihatid mga damit ko at ibang gamit, lalabas sana ako para bumili ng kama.

Biglang may kumatok sa pintuan. Sumisigaw yung babae, nagising ako sa katok at sigaw nya "Lumabas ka dyan!"

Patayo na ko ng bigla akong nagising, oo panaginip lang pala. Dahil siguro sa pagod ko. Pagtingin ko sa orasan sa cellphone ko, alas syete na ng gabi. Hindi pa ko nakakaayos ng mga gamit. Kaya sinumulan ko ng ayusin ang lahat. Ang sakit ng katawan ko, pero kelangan ko maging malakas. Umpisa na ng pagiging loner ko. Malungkot man ako sa nangyayari. Pero alam ko na masasanay din naman ako..

THE ROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon