Kabanata 57

1.8M 40.5K 16.7K
                                    

Kabanata 57

Bahala si Rozen

Sa sobrang inis ko, umo-o ako sa anyaya ni Noah. Ni hindi ko na nitext si Rozen dahil wala akong pakealam kung anong isipin niya. Tuwing naiisip ko na kaya niya akong bitinin ng ganito, mas lalo lang akong nagagalit.

Ngiting ngiti ako nang pumasok sa sasakyan ni Noah. Ni head to foot niya ako at nakita kong kumunot ang kanyang noo sa soot ko.

"Mababastos ka nyan. Tsss." Aniya.

"It's okay. Mag babar naman tayo." Pinagkibit balikat ko ang pag angal niya.

Naka dress ako, as usual. Iyon nga lang ay kumakapit ito sa buong katawan ko. Hindi tulad ng dress na madalas kong sinusoot.

Nakanot ang noo ni Noah habang nag di-drive siya.

"Asan ba si Rozen?" Tanong niya.

"Ewan ko." Agad kong sagot.

Nilingon niya ako, "Nag away kayo?"

"Di naman."

"Panu kung makita ka niyang ganyan ang soot mo? Kung ako ang boyfriend mo, hindi kita palalabasin ng bahay ng ganyan."

Nilingon ko siya, "Eh, wala naman si Rozen, Noah."

"Still."

Natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam pero kahit ganun ang sinabi niya ay masaya parin ang disposition ko. Siguro ay masaya ako sa part na aalis ako dahil naiinis ako kay Rozen. Sasama ako kay Noah dahil naiinis ako kay Rozen. Naiinis ako kasi hindi siya magpapakita sa akin kahit sabik na ako sa kanya.

"We're here!" Suminghap si Noah.

Nakita kong nasa labas kami ng Tribe Lounge ngayon. Agad akong lumabas sa sasakyan niya. Nakita ko rin sina Liam kasama si Reina na mukhang tuliro sa isang tabi.

"Reina! I missed you." Nilapitan ko ang bestfriend ko.

Naging busy siya sa kanyang pag dedesign. Naging busy din siya sa pagtatrabaho kay Wade. Halos wala na akong update sa kanya dahil naging busy na rin ako sa trabaho. Niyakap ko siya. Hindi maalis sa utak ko ang pagiging tuliro niya. What is her problem? Okay na naman sila ni Wade noong sinundo namin sila ni Rozen, a?

Ako dapat ang matuliro dito.

Sinuyod ko ang buong bar. Pakiramdam ko nandito si Rozen, pero wala naman akong nakitang ni anino niya.

Sumakit ang mata ko sa neon lights ng Tribe Lounge. Nahihilo na ako sa lights kaya naisipan kong umupo sa isang sofa. Sumunod din naman si Reina at Liam.

"This is going to be a good night." Sabay ngisi ni Liam kay Reina.

Yeah, right! Since nandito na rin naman ako, siguro ay mas mabuting mag enjoy na lang. Pumikit ako at dinama ang music ng buong bar.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Where stories live. Discover now