Panay ang lingon-lingon ni Reina sa buong bar nang dumilat ako. Para bang naghahanap siya ng butas para makawala doon. Weird.

"Coreen, sayaw tayo."

Hindi pa ako nakakapayag o nakakatanggi ay hinigit na ako ni Noah papunta sa dancefloor. Paboritong kanta ko ang tumutugtog, iyon nga lang ay mas minadali ng DJ ang tempo kaya naging mas maganda ito sa pandinig. HIndi ko na rin napigilan ang sarili ko sa pagsasayaw.

Dumami ang tao. Ang dami pang humihigit kay Noah para bumati pero kahit paano ay bumabalik parin siya sa akin para isayaw ako. Tumingala ako at tinitigan ang iba't-ibang nag sasayaw na neon lights sa taas at sa bawat gilid ng dancefloor. Nakakahilo talaga.

"Noah, upo lang ako. Medyo nahihilo lang."

Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mukha pero tumango din ito. Ngumisi ako at nag peace sign sa kanya. Pagkabalik ko naman sa sofa ay nakita kong wala na roon si Reina. Asan naman kaya iyong bestfriend ko? Nakahanap kaya ng butas?

Naisipan kong pumunta ng CR. Habang papalapit na ako ay nakita ko ang 117 missed calls galing kay Rozen. ONE HUNDRED SEVENTEEN? REALLY?

Ni text ko agad siya:

What? I thought no YOU for today, huh?

Ngumisi ako at binuksan ang pintuan sa CR. Tahimik doon at walang tao except sa isang cubicle. Oo, sinilip ko ang paa nung nasa cubicle at alam kong si Reina iyon.

"Wha- You mean Coreen?" Pabulong niya itong sinabi.

Mukha atang may kausap sa cellphone kaya naisipan kong mambulabog. Ako pa ata ang pinag uusapan!

"REINA!" Sigaw ko sabay kalabog sa pintuan ng CR niya.

Napangisi ako sa ginawa ko.

"Leche, Coreen! You're scaring the shiz out of me! Ano? May ibang cubicle naman diyan." Sigaw niya.

Tumawa ako. "I'm just checking if you're there, Reina... Anyway, bakit wala yung isang kapatid mo sa party ng kapatid niya?"

"What? You mean, Rozen?"

Pagkabanggit ni Reina ng pangalan ni Rozen ay tumaas agad ang Blood pressure ko. Humalukipkip ako at tinaas ko ang isang kilay ko. Gusto ko agad magtaray nang narinig ko ang pangalan niya. One hundred seventeen missed calls, huh?

"Actually," Lumabas si Reina sa cubicle, "Hinahanap ka niya. Sabi niya, meet daw kayo sa labas. Sasama na ako."

"WHAT?" Medyo nalusaw ang inis ko.

Tinignan ko agad ang cellphone kong may isang maiksing text niya.

Rozen:

Nasa labas ako ng Tribe Lounge. I'm fetching you.

"Coreen, I need to go to Wade's condo. Kababalik niya galing mall tour tonight. Nangako ako sa kanyang magkikita kami. Pero ngayong we're both trapped here, I need your help... At si Rozen ang makakatulong sakin. Kayong dalawa."

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon