Chapter 01: My Superstar

13.6K 345 47
                                    

“Good morning!!!” Nagising ako sa boses ni Daddy Kevin. Dahan dahan akong bumangon sa kama ko saka ako umupo sa gitna ng kama ko sabay kusot sa mga mata ko.

 “Good morning Dad!” Bati ko kay Daddy habang papalapit siya sa kama ko dala dala iyong tray na may nakapatong na breakfast at juice ko.

“Breakfast para sa pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko.” Sambit ni Daddy. Kinuha ko iyong malaking salamin ko sa bed side table saka ko sinuot iyon.

 “You're joking Dad. Syemper hindi ako pinakamaganda sa mga mata mo noh. Si Mommy. Hehe.” Sabi ko sabay tawa.

 Umupo si Daddy Kevin sa kama ko at pinatong niya iyong tray sa harap ko.

“Daddy Pops you don't have to do this. I can take care of myself. Malaki na ako. Dapat nga sana eh ako iyong gumagawa nito para sa'yo.” Sabi ko kay Dad. Daddy Pops minsan ang tawag ko kay Daddy Kevin. Short for Daddy Popsy. Kung andito sana si Mommy Mia eh Mommy Moms din sana.

“Minsan lang naman 'to Kevia pag hindi busy si Daddy. Pero kahit na dalaga ka na, baby parin ang tingin ko sa'yo kaya kumain ka na. Baka sabihin ng Mommy mo sa heaven pinapabayaan kita.” Sambit ni Daddy. Ngumiti ako kay Daddy saka ko kinuha iyong picture ni Mommy sa bedside table.

 “Goodmorning Mommy Moms! Eto si Daddy oh sino-spoil ako.” Pagsusumbong ko kay Mommy.

 “Hahahaha. Kung andito lang iyong Mommy mo Babs siguro akong mas lalo kang spoiled sa kanya.” Sambit naman ni Daddy sabay tawa. Hindi lang ako ang may espesyal na tawagan kay Daddy kundi pati rin siya. Babs Kevia iyong tawag niya sa'kin. Short daw for Baby Kevia pero may iba pang ibig sabihin iyong Babs. Eto ay short din for Baboy. Kasi nga matakaw ako.

 “Hehehe. Ikaw Dad? Di ka ba kakain?” Tanong ko.

 “Nauna na akong kumain dahil may aasikasuhin pa akong trabaho sa kompanya. Babalik ako ng maaga mamaya para sabay na tayong mag dinner. Sorry baby ha, di na naman kita masasabayan sa pagkain. Pero babawi ako next time.” Promise ni Dad saka niya ako niyakap.

“Naiintindihan ko Dad. No need to say sorry. Ingat ka Dad ha?”

 “Ingat ka din Babs. Love ka namin ng Mommy mo.”

Pagkatapos non eh umalis na si Daddy para sa trabaho niya. Sobrang daming trabaho ni Daddy, iyong kompanya na iniwan ng Mommy at Daddy ni Mommy Mia tapos iyong Livingstone University naman na iniwan din ng parents ni Daddy sa kanya.

 Pagkatapos kong kumain ng breakfast, kinuha na iyon ni Manang para ibaba at hugasan. Binuksan ko naman iyong laptop ko saka ko binuksan iyong facebook ko.

 *click* *click* *click* Hanggang sa nakaabot ako sa profile niya. Tinitigan ko ulit iyong default picture niya habang nakanganga lang ako sa harap ng laptop.

 “Hayy! Kelan kaya kita makikita?” Tanong ko sa sarili ko. Pagkatapos ng kakatitig sa magandang picture ni Frank Marlo, binasa ko naman iyong recent status niya.

 Gig later this evening. See you.

 “Haay!!” Napabuntong hininga nalang ako habang nakatutok parin sa harap ng monitor.

 “Kelan ko kaya makikita ng personal si Frank? Frank My Superstar!”

 Si Frank Marlo Santillan ay isang pinoy na nakatira sa New York City. Nag migrate sila ng parents niya dahil sa rason na hindi ko alam. Kahit na anong panghahalungkat ko sa mahiwagang baul na google, hindi ko talaga ma search. Kasama si Frank sa banda na The Serene.

 Bigla nalang akong napadpad sa facebook profile ni Frank at pagkatapos non eh hindi na talaga nawala iyong pagkagusto ko sa kanya. Ayy! Parang fan girl lang iyong dating ko. Pero basta. Gusto ko siya makita, gusto kong makapag picture kasama siya. Pero iyong problema, sobrang sikat niya, sa sobrang dami ng followers niya sa facebook, kahit na siguro isang libong mensahe pa ang ipapadala ko sa kanya di parin iya ako mapapansin.

 “Punta kaya ako ng New York?”

 “At bakit ka naman pupunta don? Para sundan iyang si Frank mo?” Sobrang nagulat ako pagkatapos kong marinig ang boses ni Zahra, ang bestfriend ko.

 Siya ang anak ni Tita Zelle at Tito Axel. Sabay nadin kaming lumaki at magkasing edad lang kami. Simula nong pre-school eh classmates na kami ni Zahra. Hindi talaga kami naghiwalay kahit isang school year lang. Pero sa kadahilanan na hindi makabuo ng anak sina Tita Zelle At Axel, nakapagdesisyon sila na mag ampon nalang. Pero alam naman ni Zahra na hindi talaga niya biological parents sina Tito. May tatlo padin akong kaibigan, ang dalawang anak nina Tito Jerome at Aya at ang anak nina Tita May at Tito Mark. Pero mas matanda kami ni Zahra sa kanila kaya di namin sila masyadong kasama sa school.

 “Bakit ba pumapasok ka ng kwarto ng hindi kumakatok? At pano ka nakapasok dito sa bahay namin? At bakit ka andito?” Tanong ko kay Zahra sabay takip don sa monitor ng laptop ko para di niya makita iyong tinitignan ko kahit na alam kong huli na ang lahat.

 “Ang dami mong tanong Kevia pero sige iisa isahin ko. Pumasok ako sa kwarto mo ng di kumakatok dahil bukas na iyon noh pagdating ko. At pano ako nakapasok sa bahay niyo? Syempre pinagbuksan ako ni Manang. At bakit ako andito? Para yayain kang mag mall. Wala namang pasok today eh. Saturday ang it's a free day! Boy hunting tayo bilis!” Bulalas ni Zahra na halatang halatang excited don sa boy hunting na suggestion niya.

 “Teka lang. Bakit mo ba tinatakpan iyong monitor ng laptop mo eh nakita ko naman kanina pa na tinitignan mo iyang si Frank.” Pahabol pa niya.

 Binaba ko na iyong kamay ko saka ko inikot iyong silya ko para harapin si Zahra. Lumayo naman siya sa'kin saka siya nahiga don sa kulay pink na kama ko sabay yakap pa don sa malaking teddy bear na binigay sa'kin ni Daddy.

“Bakit? Bawal na bang tignan iyong facebook niya?” Tanong ko kay Zahra.

 “Hindi naman. Pero payong kaibigan lang 'to Kev ha. Worried lang ako kasi sa tuwing binubuksan mo iyang facebook niya mas lalo ka pang nahuhulog sa kanya. Mas lalo mo pang nagugustuhan iyang Frank na iyan. Eh alam naman nating hindi mo iyan kayang abutin..”

 “So you're saying na hindi ako maganda?” Tanong ko habang nakatiklop iyong dalawang braso ko sa dibdib ko.

 “That's not my point Kev. What I'm saying is.. Both of you are world apart. Nasa kabilang mundo siya. Umaga dito tapos gabi naman sa kanila. Gabi sa kanila tapos umaga dito. Iyon pa lang sobrang magkaiba na kayo. Alam mo iyong kanta na magkabilang mundo? Parang ganun.”

“Pero kasi Zahra normal lang 'tong nararamdaman ko. Fangirl eh.”

 “No! It's not normal. Magkaiba iyong feelings natin eh. Like iyong sa'kin fan girl din ako ng CNBlue. Boice ako. Gustong gusto ko si Jonghyun pero alam ko kasi na unreachable siya. Pero ikaw, alam na alam ko na deep inside, umaasa ka na magkatuluyan kayong dalawa.”

 Tumayo na ako sa upuan ko dahil nainis ako bigla kay Zahra. Paulit ulit nalang kasi iyong pinag-uusapan namin sa tuwing nakikita niya na nakanganga ako habang nakatitig kay Frank sa harap ng laptop. I know na unreachable si Frank. Pero who knows? Baka naman kasi pwede diba? Madaming miracle dito sa mundong ibabaw. Malay natin, baka bukas makilala ko na si Frank.

“Let's stop na nga Zahr. Maliligo lang ako tapos aalis na tayo.” Sambit ko saka ako pumasok ng banyo.

 ----------

AN: Alam niyo ba kung san ko nakuha iyong idea na'to? Hahaha. Kasi may gusto din akong makita. Pero di ako umaasa ha na magkakatuluyan kami. Hahaha. Isa lang naman ang gusto ko eh. Makapagpicture kasama si Marcelo Santos III. Hahaha. Kilala niyo siya diba? Pero huwag sabihin sa kanya na crush ko siya ha? Di din naman kasi ako kilala non. Mapapahiya lang ako. Hahahahha. :P follow me @meislove23 add me on facebook: loveorhatethisgurl wattpad

Di pa umabot ng 100 votes pero pinost ko na. Again 100 votes = chapter 2. This time totoo na talaga dahil magiging busy na ako. haha

MTC Book 3: Reaching my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon