BitterElla 1

56.6K 654 71
                                    

Sorry sa matagal na paghihintay.

Nahirapan akong mag umpisa eh, hehe. Sana magustuhan niyo kahit pano ^___^

BitterElla 1

Sa modernong panahon natin ngayon, at sa katotohanan ng buhay. Hindi kaila sa ating lahat ang malaking PADER na harang sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. 

Ang mahihirap, alipin o utusan lamang ng mga mayayaman. Ang mayayaman, sila ang amo ng mga mahihirap

Ang sahod ng mahihirap, pambili na nila ng makakakain na pagkakasyahin sa isang buong araw

Para sa mayaman, ang pinapasahod nila sa mahihirap pangyosi lang, pang bigay tip sa waiter sa mga bar

Nakita niyo na? Ang laki ng agwat hindi ba?

Ako si Marinella Francisco, pero Ella ang tawag nila sakin. Isang mahirap, maaga akong naulila sa Ina. Hindi ko nga maalala kung anong itsura niya. Si Papa naman, nag 

asawa ng iba, nasa Canada siya ngayon. Ilang taon na kaming hindi nagkikita dahil sa trabaho niya. Naiwan ako dito sa Pinas kasama ang StepMom ko at ang 2 kong 

stepbrothers.

Kakagraduate ko lang ng High School, hindi ko pa nga alam kung saan ako magkacollege eh.

kaya habang bakasyon, nagtrabaho muna ako sa bakeshop ng kaibigan kong si Dexter 

Para may pera akong pang-enroll pag nakahanap na ko ng University na pwedeng pasukan

"Waaa! Sa wakas! Natapos din. Oh pano? Uwi na ko Dex, Babye! Bukas ulit"-sabi ko

tapos umalis na kami ng kasabay ko si Roxanne.

magkalapit lang bahay namin kaya sabay kami umuuwi, at bestfriend ko din kasi siya.

Pumara na kami ng Jeep

Pinauna kong umakyat si Roxanne

paghakbang ko palang paakyat sa Jeep

umandar na agad yung Jeep!

"Ay! Ano ba yan Manong!"-sigaw ko

nahulog tuloy yung tsinelas ko sa kalsada!

BitterElla [1 & 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon