Chap. 7 MONTEJAR

1.4K 83 4
                                    

Buong gabi tulog manok lamang ang ginawa ng mag-asawa. Binabantayan na lamang nila si Amadel sa pagtulog.

"Emboy, ano kaya ang maghihintay na buhay sa atin doon?" Napatanong si Nita.

"Nita, mabuti na nandoon na lamang tayo. Maging ligtas pa tayo at ang bata."

"Emboy, paano naman ang kinabuhayan natin?"

"Naku, pwede ba h'wag kang masyadong makulit. Ipanatag mo nga muna 'yang sarili mo."

"Emboy, matagal na tayong hindi nakapunta doon. Paano kung mawala tayo? Tsaka siguradong maraming nagbago doon."

"Ano ka ba naman, marunong magbasa ang bata. Hindi tayo mawawala."

"Eh, bata 'yan. " Nag-aalangan si Nita.

"Matalinong bata si Amadel. Maniwala ka sa akin." Ginigiit ni Emboy .

Nang biglang may nakitang liwanag sa unahan si Emboy. Alam n'yang hinahanap sila ng mga taong humahabol sa kanila.

"Anak ng tikbalang! Hanggang ngayon hinhanap parin nila tayo. Dali Nita, magtago tayo sa ilalim nitong Balete."

Agad binuhat ni Emboy ang bata at tumago sila sa malalaking ugat ng puno. Pigil hininga ang mag-asawa.

"Saan na kaya ang mag-asawa?" Naririnig nilang tanong ng isang lalaki sa mga kasama nito.

"Malayo na siguro ang pinuntahan nila. Tsk. Bakit ba tayong magsasayang na habulin pa ang mga 'yon? Hindi naman tayo ang mamalasin eh..silang mag-asawa." Sabi ng isang lalaki.

"Kahit na. Alam mo bang pwedeng pagkakaperahan ang batang 'yon? Aba'y sisikat 'yon sa mga peryahan."

"Naku, problemahin na nila 'yon. Tara bumalik na tayo ."

Nakita ng mag-asawa na lumayo na ang mga taong tumutugis sa kanila. Saka lamang nakahinga ng maluwag ang dalawa.

"Whew! Sana hindi na sila bumalik. Ang tibay din ng mga 'yon..biruin mo madaling araw na hindi parin sila tumitigil." Pinunasan ni Emboy ang pawis nya sa noo.

"Emboy, ilang oras na lang darating na ang bus na dadaan dito."

"Mabuti pa maglakad tayo doon sa unahan. Para pag dumating ang bus sumakay na agad tayo."

Sumangayon naman si Nita. Buhat buhat parin ni Emboy ang bata. Tinakpan lamang nila ng balabal ang ulo ni Amadel.  Huminto silang mag-asawa sa paglakad. Tamang tama at nakikita na nila ang paparating na bus. Agad nilang pinara at sumakay.

----------------------------------------------------------------------

Ilang oras din ang biniyahe ng tatlo. Nang magising si Amadel agad sinabihan ni Nita ang bata na:

"H'wag mo alisin ang balabal sa ulo mo. Kundi magkakagulo dito ang mga tao sa 'yo."

Napatingin sa mga mata ni Nita ang bata. Nauunawaan naman ni Amadel ang gustong ipahiwatig ni Nita.

"Nita, malapit na tayo sa lupain ng mga Montejar. Ihanda mo na ang sarili mo; magsisimula ulit tayo ng panibagong buhay."

"Oo, nakahanda na ako."

Isang malawak na lupain ang makikita sa dinadaanan ng bus. Batid ng mag-asawa na pag-aari  ng Montejar ang kanilang nakikita sa daan. May malawak na taniman ng palay, mangga, palaisdaan, kakao, mais, asukal, at rancho ng mga baka. Ito ay pag-aari ni GANDOLFO MONTEJAR. Si Gandolfo Montejar ay isang dating magsasaka. Ayon sa mga usap-usapan s'ya ay nakadiskubre ng 3 baretang ginto sa kanyang bukirin. Ito ang naging dahilan na naging mayaman s'ya. Lalo s'yang yumaman nang makapag-asawa s'ya ng isang anak ng milyonaryo sa kanilang lugar. Si Gandolfo Montejar ay maagang naging biyudo at merong 3 anak na sina : Sean, Raymond at Belle.

Ang DATU at AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon