May isang hardin na palaging dinarayo ng mga tao at sadyang napaganda talaga ng hardin na 'yon dahil naroroon ang iba't ibang klase ng mga bulaklak. Sa sobrang ganda, nagmistula itong paraiso kaya hindi mahulugang karayom ang lugar na 'yon. Lingid sa kaalaman ng lahat, may isang munting halaman na nakatago sa likod ng makukulay na mga bulaklak. Nando'n lang siya sa madilim na sulok habang pinagmasdan ang mga taong hindi nakakakita sa kanyang kagandahan at para siyang hangin na kung saan walang nakakapansin sa kanya. Masakit yon sa para kanya. Sa totoo lang,siya ay naiiba sa mga halamang nando'n. Wala siyang kabunguguang balikat. Palagi siyang malungkot at tila naiinggit siya sa ibang mga bulaklak dahil nagpapakita sila ng kagandahan sa paligid samantalang siya ay hindi.Kung tutuusin,masyado pa kasi siyang bata para mamumukadkad.Pakiramdam niya, isa siyang kakaning itik sa hardin. Makalipas ang ilang araw ay biglang may nagbago sa kanyang panlabas na anyo. Biglang lumaki ang kanyang dahon, pati na ang kanyang katawan at unti unting lumalabas ang kanyang mga talulot na nagpapahiwatig na nagsisimula na siyang namumukadkad. Sa sandaling 'yon ay nagulat at namangha ang mga bulaklak sa nakita nila. Isa na siyang ganap na bulaklak, isang napakagandang bulaklak. Siya ay nagliwanag na parang tala sa nagdidilim na kalangitan at siya ang umagaw ng pansin sa mga tao sa hardin. Masasabing siya ang namumukod tangi sa lahat ng mga bulaklak ng nando'n at 'di niya lubos maisip na maging isa siyang napakagandang bulaklak pero kahit papa'no'y naging maligaya siya kasi may nakakapansin na sa kanya at may marami na siyang mga kabunguguang balikat . Isang bagay lang ang natutunan niya dito sa balat ng lupa , hindi tayo dapat maging isip talangka sa kung ano ang meron ng iba dahil tayo ay nilikha nang pantay-pantay. Magkaiba man tayo,ang mahalaga'y may kakayahan tayo o talento na wala sa iba.Hanapin mo lang kung ano ang kakayahan na 'yon nang sa gano'n, ika'y mamamayagpag.
