"Wala lang! Ang galing kaya nila! Ang ganda ng mga kanta nila!" Seryoso kong sinabi.

"Sure? O baka may nahiligan ka sa kagrupo ni Wade?" Tinaas niya ang kanyang kilay.

"Huh? Ano ka? Sino naman ang mahihiligan ko doon." Nag iwas ako ng tingin.

"Malay ko sayo. You obviously always fall for the playboy types."

"HUH?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Tumawa lang siya.

"Playboy types? Really!? Naiinlove ako sa mga serious type. Hindi sa mga playboy."

"May serious type din sa kanila, a? That means yung seryosong band member nila ang gusto mo?"

"Ewan ko sayo, Rozen! Kakaloka ka! Kung anu-anong pinagsasabi mo." Umirap ako.

"Edi sino kasi yung gusto mo?" Marahan niyang sinabi.

Hindi ako umimik. Ilang sandali pa bago siya nagsalita ulit. Narealize ko din kung saan kami papunta. Nasa labas kami ng Nature Park na iyon. Ito yung nature park na pinuntahan namin noong college pa lang kami habang nag pe-pretend girlfriend ako para sa kanya.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Sino ang gusto mo?" Mas seryoso niyang tanong.

Nagtama ang mga titig namin. Hindi ko talaga kayang titigan ang mga mata niya tuwing nagseseryoso. Pakiramdam ko, nawawala ang kaluluwa ko, naliligaw sa loob ng kanyang mga mata.

"Bakit?"

"Why can't you answer me in a snap?"

"That's because you intimidate me!" Nag iwas ulit ako ng tingin.

Hinarap niya ang pisngi ko. Mas malapit na siya sa akin ngayon.

"You're making me jealous, Coreen. Pakiramdam ko may iba kang gusto."

Nainis ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang tinitigan gamit ang matatalim kong tingin.

"Ano ba, Rozen? You think I'll give my big V kung hindi ikaw ang mahal ko? Twenty-two years ko yung inalagaan. Tingin mo sayo yun kung may iba akong mahal?"

Hindi ko namalayang sa gitna ng panggagalaiti ko ay nakangisi na siya. Para bang sinadya niya iyong itanong para magalit ako at masabi ito sa kanya.

"Alam mo, ang saya ko talaga pagnaririnig ko ang lahat ng yan galing sayo, Coreen."

Inilapit niya ang baba ko sa mukha niya at hinalikan niya ako. Bumibugay agad ang sistema ko. Sa mga halik niya pa lang, nakakalimutan ko na kung nasan kami. Hindi ko na alam kung bakit nandito kami. Bigla siyang tumigil at mas lalong ngumisi.

"Let's go..." Saka diretso ang baba sa sasakyan.

Bwiset! Nakakabitin naman iyon. Sumunod din ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit tatawa-tawa siya sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling siya at tumawa.

"What's so amusing?"

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon