TBUP 5

443 11 0
                                    

TBUP -5: I saw her }


Ay grabe! Late na ako! I should run! Effin run!! Pucha naman eh! Kung bakit kasi nakalimutan kong i-alarm 'yung cellphone ko! Buti na lang nag-almusal ako at may energy akong tumakbo ngayon.

Nasa tapat na ako ng building namin ng may makita akong nagkakagulo run sa stage. Nagsusuntukan. Ano kayang meron?

Dahil sa kakatingin ko run sa stage eh hindi ko napansin ang isang babae at nabangga ko siya.

"Gomenasai." Sambit nung babae sabay yuko. Haponesa ba? Bat mukhang Koreana?

"Ah sorry din."

Tapos pumasok na ako run sa building namin. Hingal na hingal ako kaya medyo bumagal 'yung takbo ko at naging lakad na lang. Nasa kalagitnaan na ako ng hallway nang may marinig akong boses.

Boses ni JOHN DHEL.

"Oh Patrice, okay ka lang? Anong nangyari?" Tanong niya run sa babaeng nakabangga ko.

Shit! I just met his girlfriend!

Hindi ako pwedeng magkamali, Patrice daw eh! Patrice yhun! Pero bakit naman nandito 'yang impaktang 'yan? Bakit niya kasama si john dhel eh class hours ngayon? Nag-cutting ba silang dalawa?

Aww. Bakit parang sumisikip 'yung dibdib ko? Bakit parang hindi ako makahinga? Bakit parang sinasakal 'yung puso ko? At geeez! Umagang-umaga, tumutulo 'yung luha ko?

Lumingon ako sa kanila, at 'yun. Nagtatawanan sila. Ang sweet-sweet nila. Bakit ang sakit-sakit? Bakit sa lahat na nga lang ng lugar na pwede silang mag-date eh dito pa sa school na ito? Kung saan pa makikita ko silang dalawa!

Pumasok ako sa room namin. Nadatnan ko 'yung mga kaklase kong nagchi-chismisan at kung ano-ano pang ginagawang kaguluhan. Dun ko napagtanto na wala pala kaming klase ngayon dahil free-cut namin.

Bullshit lang! Nagmadali pa ako wala rin pala akong mapapala! Bakit ba ang malas ko ngayon?! Bakit?!!

"Nakita mo sila?" Tanong sa akin ni Jared na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

"Bakit ba sila nandito?" Naiiritang tanong ko.

"PDA siguro." Tapos nag-smirk na lang siya.

Tss, alam ko namang nasasaktan din 'to eh. Haay, pareho lang pala kami ng sitwasyon dito. Pareho lang kaming hindi maka-get over sa mga ex namin. Ang bitter pa naming dalawa to the point na gumawa pa kami ng deal para mapaghiwalay si John dhel tyaka 'yung girlfriend niya.

Tumabi ako sa kinauupuan niya.

"Wala ba tayong gagawin?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Di ba ikaw 'yung magse-seduce sa kapatid ko?"

Ay oo nga pala. Ano naman kasi 'yung word na ginamit niya! Seduce! Mukha naman akong pokpok sa word na 'yun. Aish, paano ko ba gagawin? Eh baka isipin nung John dhel na 'yun na baliw pa rin ako sa kanya, kahit naman totoo ayokong ipahalata nu! Nakakahiya >_____<

"Hindi ko alam kung paano eh."

"Kaya mo 'yan." Tapos lumabas na siya ng room.

Lumapit ako kay Best Leonel para mapagbuhusan ng sama ng loob. Pumunta kami sa canteen, dahil doon walang stress! Puro pagkain lang!

"Best! Punyeta lang! Nakita ko siya!!" Iyakan mode na naman.

"Sinong siya?"

"Yung girlfriend ni John Dhel."

"Ah 'yung Patrice? Nakita ko na rin siya, ang ganda nga niya eh."

PUCHA! Oo na! Maganda na siya! Ipangalandakan ba naman sa mukha ko? Eh di siya na maganda! Siya na mabait! Siya na ang girlfriend ni John dhel! Punyetang 'yan >.<

The BREAK-UP plannerWhere stories live. Discover now