Chapter 3

248 8 4
                                    

Bukas na ang simula ng finals series ng MBA. Best of 5 ang laro ibig sabihin ay ang makatatlong panalo ang tatanghaling champion ng MBA.

Inaasahang magiging excited ang lahat ng mga tao dahil ang dalawa sa pinaka-malalakas na team sa MBA ang maglalaban. Isa din ang Rival nila Stephen Lopez at Frank Sison ang talaga namang inaabangan. Matagal tagal na rin ang rival nila at ito'y simula college pa sila. Palaging Champion ang team na kinabibilangan ni Stephen samantalang ang team naman ni Frank ay palaging 1st runner up.

Kaya Hindi rin masisisi si Frank kung may galit siya kay Stephen at gusto niya itong talunin dahil palagi siyang ikinukumapara dito.

Samantala. . .

Maayos naman at matagumpay ang naging photoshoot noong isang araw. Mula nung nag-sorry si LJ sa mga nasabi niya ay naintindihan naman ito ng mga team mates ni Stephen at pagkatapos noon ay inaasar pa nila si Stephen na siya raw ang dahilan kung bakit Beast Mode On si Ms. Sungit.

Nandito sila Stephen ngayon sa kanilang practice game at puspusan na ang kanilang practice.

"Hooh! Kailangan pa ba ng practice ni Steph? Mukhang hindi naman niya problema ang darating na finals sa kanya eh." si Harry team mate din nila.

Tinapik ni Stephen ang team mate sa balikat at ngumiti ng bahagya.

"Syempre Kailangan ko pa rin ng practice 'no? " ani Stephen sabay inom ng bottled water na hawak niya.

"Yieeeh ! Excited ka lang bukas kasi makikita mo si Ms. Sungit ay si Frank pala . Hahahaha" biro ni Toby at napatawa ang ibang team mates niya.

"Siraulo ka talaga Toby" bawi ni Stephen.

"Infairness kay Ms. Sungit ah? Kahit masungit maganda pa rin." sabi ni Edison.

"Maganda nga, Masungit naman. Wala rin. . . wala talagang perfect sa mundo " sabi ni Toby na pailing-iling pa.

"We don't know her kaya Stop Judging. . . "

"Uy ! Pinagtatanggol" asar ng team mates niya at napailing na lang si Stephen.

"Practice na nga tayo ! Puro kayo daldalan" ngiting sabi ni Stephen at agad namang sumunod ang team mates niya.

*****

LJ's PoV

"LJ ! Huhuhuhu haba ng hair ni Chinggay! Waaaah Kinikilig ako !!! "

Nandito kami sa bahay ngayon nang maisipan ni Carla na manood daw kami ng 'The Achy Breaky Hearts' at ayun naiiyak siya sa eksena ni Chinggay at Ryan yung nasa pick-up truck sila. Nakakakilig kasi yung scene na yun. May gagawa din kaya sakin nung Paris Paris na yun?

Hindi naman malabo kasi kamukha ko naman si Jodi Sta. Maria at magkapangalan pa kami. Diba ? Oy ! Pumayag na kayo kasi walang makakapigil sakin . Hahaha

Aba't kung inaakala niyong wala akong smile glands at puro sungit glands lang ang meron ako. Nagkakamali kayo! Meron din naman ako no'n. Nawawala lang talaga yun pag nakikita ko yung bakulaw na Stephen na yun.

Ewan ko ba kung bakit ako naiinis sa kanya. Basta ! Naiinis na lang ako bigla pag nakikita ko siya. 'Pag nakikita ko siya ay parang nagkakaroon ng heater sa loob ng ulo ko.

Hayy! Basta ! Ewan.

"Waaaaah ! " sabi ni Carla at inalog alog pa ako.

"Tumahimik ka nga diyan ! Baka may makarini- . . . . Waaaaah" Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at nakitili na rin. Pano ba naman? Hinalikan ni Ryan si Chinggay. Sinong Hindi kikiligin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr.Player and His no. 1 HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon