Chapter 29 ♥ Tigers And Super Friends

Start from the beginning
                                    

"Tch. Bakit ko naman ipo-post yun kung hindi totoo?" Si Kyle. "Sarap nyo patapon sa pluto. Nung si Chelsea nagsabi naniwala kayo. Nung ako, hindi. Tch."

"Pero totoo nga captain? Ibig sabihin nag-ano na kayo.." Nanlalaki mata ni Drei nyan.

"Nag-ano?" Ulit ni Kyle.

>.<

"Nag-ano na sila?" Sigaw naman ni Jerome.

-_-

"Ang kukulit nyo! Buntis na nga eh. Malamang oo! Kung anuman iniisip niyo, tama yan! Alangan naman mabuntis si Chelsea ng hindi namin ginawa yun? Mag-isip nga kayo!" Sigaw ni Kyle.

Nahighblood. Haha.

Kasi kukulit nila.

"Totoo nga! Daddy ka na captain. Dapat wag ka na magsungit!" Sabi ni Cavill.

"Sana magmana ugali kay Chelsea tapos sayo na ka-gwapuhan captain kapag lalaki! Haha!" Nakakaloko si Kit. Haha

"Oo nga! Tapos 'pag babae, kay Chelsea yung ganda tapos ang ugali.....kay Chelsea din! Haha!" Isa pang baliw si Lyndon.

"Sawa na ba kayo sa buhay niyo?" Hanla ang gummy bear ko galit. Haha. Natatawa nalang ako. Ewan ko ba.

"Captain naman di na mabiro. Mabait kaya yang si captain!" sabi ni Lyndon.

Mga sipsip. Haha. Takot naman kay Kyle.

"Oo naman. Napaka-swerte naman talag ng abby nila 'pag nagmana kay captain ang ugali." *ubo ubo* si Jerome. Hahahaha. May ubo effect pa.

Sinamaan siya ng tingin ni Kyle. "Isa ka pa Jerome!"

Hahaha. Ang saya ko lang. Para silang mga batang nag-aasaran.

MPMMN 2: Still In LoveWhere stories live. Discover now