Chapter 29 ♥ Tigers And Super Friends

Magsimula sa umpisa
                                    

"Baka sila na yan. Handa mo na sarili mo, sasabihin na din natin sa kanila na daddy na ako." Nakangiting sabi ni Kyle saka pumunta na sa pinto.

Hanla oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanila personally about sa pagbubuntis ko. Shemay kinakabahan ako.

"CAPTAIN! I love you!"

-___-

Napatingin ako sa mga nagdatingan. Ang tigers. Parang baliw si Oliver. Niyakap ba naman si Kyle.

"Hi Chelsea!" bati ni Drei.

"Hello Chelsea!" Ibang tigers.

Tumayo ako at sinalubong silang lahat. "Hello." Sagot ko.

Una-unahan na silang nag-upuan sa mga couch. Ang iba sa carpet sa sahig. Kaniya kaniya din silang kuha ng chips na andito sa salas. Yung iba, nagbukas ng TV, yung iba kumakalikot ng mga display, yung iba pumuntang kusina, yung iba nagbukas ng ref.

-__-

Yung totoo! Unit nila 'to?

"Hoy kayo mahiya nga kayo. Hindi nyo 'to unit. Masyado kayong feel at home." Saway ni Kyle sa Tigers. Natawa nalang ako.

"Hayaan mo na captain! Dami nyong pagkain sa ref!" Sigaw ni Jerome.

"Oo nga captain. Hindi naman sayo 'to. Si Chelsea nga di nagrereklamo samin." Sabi ni Cavill.

Gusto ko nalang matawa. Para silang mga bata.

"Pumunta nga kayo lahat dito sa salas. May sasabihin kami ng baby ko." Sabi ni Kyle. Ayan na. Sasabihin na nya.

"Ayun oh! Baby ko. Ang sweet mo captain!" Parang kinikilig na sigaw ni Jerome. Parang baliw.

"Tch. Manahimik ka dyan." Sagot ni Kyle. Sungit talaga ni Kyle. Hehe. Buti sakin hindi na.

"Ano sasabihin nyo captain?" Tanong ni Luke.

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon