Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

"Heh! Hindi yun ang first time na sinabi ko yun sayo."

"Can you say it again, please?" Pumikit siya.

"I love you, Rozen." Sabi ko.

"I'm gonna marry you one of these days." Bigla niyang sinabi at hinila niya ako para yakapin.

"No way! Ang bata ko pa." Tumawa ako.

"You're almost twenty three. Right age na iyon."

"Kahit na, no."

Natuyo na ang pisngi ko nang hinigit niya ulit ako palabas ng simbahan.

"Umuwi na tayo baka saan pa kita iliko." Humagalpak siya sa tawa.

"Ha?" Napalunok ako.

"Wala." Umirap siya at pinagbuksan ako ng pintuan sa sasakyan.

Umupo din naman ako at hinintay ko siyang pumasok. Hindi parin matanggal ang ngiti niya sa labi maging noong pinaandar niya na ang sasakyan. Pinagmasdan ko ang eternity ring sa daliri ko. Sobrang ganda. I'm sure mahal ito. Syempre, bili ba naman ng isang Elizalde.

"Rozen, pwede parin ba akong maging pretend-girlfriend ni Noah?"

Napawi ang ngiti niya.

Kinagat ko ang labi ko, "Eh kapatid mo yun at medyo may obsession yung Megan sa kanya. Creepy. Kaya siguro ayaw niya sa babaeng iyon."

Hindi umimik si Rozen kaya dinagdagan ko pa.

"I promised. Tsaka..." Winagayway ko ang daliri ko. "Kasal na naman tayo. Hindi na ako maagaw ng iba. Ikaw naman ang mahal ko."

Sumulyap siya sa akin at ngumuso.

Hindi ko kayang palagpasin ang bakas ng pag ngisi sa kanyang mukha. Madali lang talagang makumbinsi si Rozen lalo na pag pinapaaalala ko sa kanya na mahal ko siya.

Itinigil niya ang sasakyan. Humalukipkip siya at matama niya akong tinignan.

"Hindi ko alam kung bakit mo tinutulungan si Noah, Coreen. Hayaan mo silang dalawa."

"Pero humingi siya ng pabor." Sabi ko.

Pumikit siya at hinila niya ako palapit sa kanya.

"No..." Umiling siya at tinagilid niya ang ulo niya para hindi magkabangga ang mga ilong namin.

Ayan na naman. Ramdam ko na naman ang hininga niya sa labi ko.

"No..." Pag uulit niya. "No, I don't want to share you. Ang tagal kitang... ang tagal kitang hinintay na mahulog sakin, tapos magkakaroon pa ng ganito?"

"You won't share me, R-Rozen." Nauutal na ako.

Unti unti na kasing kumakalabog ang puso ko dahil sa lapit niya. Hindi ko na kayang magsalita. Gusto ko na lang siyang halikan buong magdamag.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Where stories live. Discover now