"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

Walang pasubali niyang kinuha ang kamay ko at nilagay niya agad yun doon. Nakita ko ang isang simpleng eternity ring. Nalaglag ang panga ko.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Will you marry me?" Nagtanong pa siya.

Pabalik balik kong tinignan ang nakangisi niyang mukha at ang singsing na nakalagay na ngayon sa daliri ko.

"Kung oo, ilagay mo rin ito sa kamay ko." Ipinakita niya sa akin ang isa pang eternity ring.

Parang kinukurot ang dibdib ko. Biglaan. Hindi ko man lang ito nakita. Kanina ko pa siya sinagot pero may inihanda na agad siyang ganito. Kinukurot ang dibdib ko dahil sa tuwa pero hindi ko parin maiwasang magtanong.

"Rozen, are you sure about this?" Nabasag ang boses ko. "I mean, ilang ulit kitang sinaktan. Ilang ulit kitang tinaboy. Grabe na yung dinulot ko sayo pero hanggang ngayon kaya mo parin akong mahalin ng ganito?"

Bumuhos ang luha ko sa kalagitnaan ng pagtatanong ko.

Yes. I can't believe it. Halos hindi ko na siya deserve dahil sa daming sakit na naidulot ko sa kanya. Hindi ko nakita yung pagmamahal niya noon. Preoccupied ako sa pagmamahal ko kay Noah at hindi ko makitang nasasaktan ko na pala siya. Ngayong mahal ko na siya, hindi ko mapigilan ang kwestyunin ang pagiging karapat dapat ko sa kanya. Parang hindi...

Si Elle na walang ginawa kundi ang mahalin siya, iyon ang nararapat sa kanya, e. But I can't just give him up for her coz I'm so in love with him right now... I won't give him up ever.

"Ano ba yang puso mo? Gawa ba yan sa bakal at bakit hindi natitinag?" Hinampas ko ang dibdib niya.

Ngumisi pa siya lalo.

"Ilagay mo na, please." Sabay wagayway niya sa singsing.

"Pero hindi ako deserving sayo. Ang dami kong nagawang mali sayo. Sigurado ka ba talaga dito?"

"Hindi kita dadalhin dito kung hindi. At kung ayaw ko sayo, Coreen, dapat noon pa tinigilan na kita." Pumungay ang kanyang mga mata.

Pinunasan ko ang bawat luha na dumantay sa pisngi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay at tumulong din siya sa pagpunas.

"Please, Coreen. Kahit hindi ito totoong kasal, this means so much to me." Aniya.

"Anong kasal?" Medyo galit kong utas.

Humalakhak siya, "Sa kasal baka ako pa yung mapahagulhol. Kaya wa'g mo ng patagalin."

Hinampas ko ang dibdib niya.

"Coreen, kahit anong wasak mo sa puso ko... lahat ng mga pirasa nito, nagmamahal parin sayo. So stop questioning and return my love."

Nilagay niya sa kamay ko ang singsing at inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"I love you, Rozen." Sabi ko ng klaro bago pinadausdos ang singsing sa daliri niya.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon