Part 3

0 0 0
                                    

Jethro POV
Kinagabihan, after 5 hours natapos din ang practice. Nakakapagod. Ganyan yan every time may big game, 5 or more hours ang practice. Ayaw ni coach matalo kami at ayaw ko rin lalo na't scolar ako kaya doble kayod. Asan na nga pala si Heaven, umuwi na kaya yun? Nasalubong ko si Chin na busy magpapicture sa iba kong team mate. "Chin, excuse!" tinawag ko ang kanyang atensyon. Tiningnan niya ako. "yes kuya?" tanong niya. "Andito pa ba si Heaven?" tanong ko. "Andoon siya," sagot ni Chin na tinuturo ang bleachers. "nakatulog na kuya."

Pinuntahan ko ang kapatid ko. Kawawa naman ang itsura nito. Parang walang may-ari. Nakahiga siya sa bleachers, nakanganga ang bibig. Pagod na pagod. Bakit kasi pumunta pa dito. Hindi ko na siya kayang buhatin kasi mas pagod ako. At sobrang sakit ng katawan ko dahil sa practice. Gigisingin ko nalang to bahala na.

~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~ • ~
Flashback

Heaven POV
"Chin inaantok na ako," sabi ko kay Chin na busy magcheer. Ang tagal kasi ng practice nila kuya. Ilang oras ba kasi ang practice na yan? 6PM sila nag-umpisa ngayon, 8 na hindi parin sila tapos? "Matulog ka kaya muna girl," sabi ni Chin. "baka kasi matagalan pa sila." Feeling ko nga. Ipinikit ko ang mga mata ko, sumandal sa balikat ni Chin at tuloyan na ngang nakatulog.

Chin POV
"Bukas na naman, players" announced ng coach. "magpahinga na kayo!" So, tapos na? Tiningnan ko ang wristwatch ko, from 6 to 10? 5 hours?! Ang tibay naman ng mga players nato. Magpapapicture nga ako sa kanila para may mapost naman ako sa Facebook. Pero nakasandal nga pala si Heaven sa balikat ko. Ang himbing ng tulog. Inihiga ko siya sa bleachers tapos iniwan munang natutulog then pinuntahan ko na ang mga players.

End of flashback

Dahil Sa KanyaWhere stories live. Discover now