Pagkatapos ng pangyayari kanina ay, malamang! Talagang ihahatid niya ako sa bahay namin! Pero walanghiyang taong 'to eh, sa may kanto niya lang iniwan yung sasakyan niya tapos gusto niya na maglalakad lang daw kami papunta du'n sa bahay namin.
"Alam mo ba ang salitang pagod ha? Alam mo bang pagod na ako?!"
Pagtatanong ko sa kanya.
"Okay lang, hindi naman ako napapagod eh basta ikaw ang kasama ko!"
Tas biglang siyang tumawa.
"Mukha mo! Hindi ikaw ang pagod, ako! Eh bakit mo pa kasi iniwan yung sasakyan mo du'n! Edi sana ay dumating na ako sa bahay!"
"Uy!"
Sabi niya sabay kublit sa akin.
"Oh? Ano na naman!"
Tas bigla niya akong inakbayan na ikinagulat ko naman.
"Anyaree sayo?"
Pagtatanong ko sa kanya.
"Tingnan mo yung taong makakasalubong natin"
Kaya tumingin naman ako du'n sa direksyon na sinasabi niya, and the heck! Nakita ko sa Lou at si Jacob na magkasama! Ang sweet tingnan ah, akala mo di na maghihiwalay!
"Oh, nakita ko na! Eh ano naman ngayon!?"
Tas bigla siyang tumawa.
"Di ka affected?"
"Bakit naman ako affected!?"
"Sabi mo yan ah!"
Tas nagsimula na kaming lumakad habang nakaakbay parin siya sa akin.
"Hoy, may balak ka ano?"
"Watch and learn! Basta, just go with the flow!"
"Okay, fine!"
Parang ako tuloy ang kinakabahan dito sa mga pinanggagawa ng lokong 'to ah!
"Hey bro!"
Bati ni Kael kay Jacob at mas lalo pa akong inilapit ni Kael sa kanya at ngayon ay sa may bewang na niya ako hinawakan. Awkward OoO
At itong si Lou naman, kung makatingin sa akin, ang sarap pektusan! Urgh! Bakit ba mga malalaki ang mata ang taste ni Jacob? No wonder kung bakit siya nakipag break up sa akin kasi nga, proud to be! Ang ganda kaya ng mata ko compare diyan sa mata niya na parang Owl! Tas kung makadikit kay Jacob kala mo aagawin ko! Heeh, sayo na yan! Kainin mo pa! Wala akong pakialam!
"Uy pare! Bakit?"
Sabi naman ni Jacob kay Kael!
"May gusto lang sana akong sasabihin sayo"
Biglang nagulat si Jacob, ang cool kasing tingnan ni Kael eh, mas lalo siyang gumagwapo kapag naging seryoso yung mukha niya.
"Ano yun? At, bakit kayo magksama?"
Biglang tumingin sa akin si Jacob, tas tumingin ulit kay Kael.
"Isn't it obvious? Pinakilala ko na siya sa mga parents ko!"
"So, kayo na talaga?"
"Yup! Kilala na siya ng parents ko at kilala narin ako ng parents niya. Sabi nga ni Jessa sa akin eh na ako daw ang unang lalaking ipinakilala niya sa mga parents niya"
Ngee! Wala akong sinabing ganyan ah! Pero oo, hindi ko rin kasi ipinakilala si Jacob sa mga parents ko
"Ah, so kailan pa naging kayo?"
YOU ARE READING
Started with a Bluetooth
ChickLitHi there? Basically, this story is dedicated to my friend, JESSA, (wag lang natin i-mention ang family name, okay lang JESS?) Oo okay lang daw sabi niya ^___^ So this story is for her, oh ayan, natupad na ang wish mo! Labyoow. So ayun lang. This sto...
