The Lucky Charm (Short Story)

1.5K 66 103
                                    

Para po kay SOULMATE! Na ni-dedicate sa akin yung latest short story niya. Nakagawa din ako. Hahaha.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagsimula ang lahat noong October 10, 2010. In short, 10-10-10.

Sa MOA, may Run for Ilog Pasig kasi noon. Nasa tabi ako nung globo doon, naghihintay sa magaling kong kaibigan na si Ronald.

By the way, I'm Kenneth Manzano. First year college. Accountancy ang course, ang bigat no?

Lucky day daw ngayon kasi 10-10-10. Maniniwala kaya ako? Ewan, wala pa kasing patunay eh.

Anyway, antagal talaga ni Ronald. Mag-a-alas singko y medya na, wala pa rin. Kanina pa ako rito. Andami nang tao, pero ako, hanggang ngayon, wala pa ring dumadating na Ronald, o kahit man lang blockmate wala akong makita.

Psh, tingin dito. >_> Tingin doon. <_<. Tingin sa langit. ^_^ Tingin sa bab--

Uy! May papel. Teka, mapulot nga.

Tsk. Hindi pala papel, picture. Ganto yung texture ng picture eh, kahit sino naman ata alam.

May nakasulat. (~_~)7 Sorry, hindi ko maintindihan eh. Japanese ba to o Korean?

誰でも私にこのバックをもたらしたことは、100日間の私のボーイフレンドになる

Ganyan yung nakasulat. Kayo ba, naintindihan nyo?

Pagtingin ko sa kabilang side nung larawan, HUWAW! O_O. Ang ganda! Graduation picture pala ito. Ngek! Bakit walang school na nakalagay? Psh, paano ko malalaman kung kanino to. Andaming ta--

"Ken!"

Sa wakas! Dumating na din ang mokong na to. Nilagay ko muna sa bulsa ng jacket ko yung picture.

"Anong oras na dude!"

"Sensya, tumigil yung relo ko eh."

"Bakit hindi ka na lang din tumigil sa mag-jo-joke. Ang corny mo eh."

"Baliw. Kanina pa ako nandito. Nandun na kami lahat oh." Sabay turo sa malayong lugar na hindi ko naman matanaw.

"Nasaan?"

"Basta nandun na sila malapit sa starting line."

"Tapos pinaghintay mo lang ako dito, sabi mo dito tayo magkita tapos nan--"

"Halika na. Andami pang sinasabi eh."

Naglakad na kami papunta sa starting line na sinasabi niya. Kaso, napatigil ako nang may 1000 pesos akong nakita. OO! Yung kulay blue!

The Lucky Charm (Short Story)Where stories live. Discover now