"Chynna akala ko di ka makakarating. May dala kapang mascot ah ang cute. Hi teddy?" sabay kaway sa mascot.

"Ah ano kasi, dapat si Beast yan sa Beauty and the Beast kaso baka matakot ang inaanak ko kaya si Teddy nalang." palusot ni Chynna. Iniabot naman ni Glaiza ang bata sa Yaya at yinakap nito si Rhian na ikinagulat naman nito.

"Ah Ted anong ginagawa mo? Hindi ako makahinga." Rhian said. At gulat na gulat sa mahigpit na yakap ni Glaiza na nasa loob ng mascot.

"Hoy Ted awat na." sabay hatak kay Glaiza. "Rhian pagpasensyahan mo na si Ted ah, ngayon lang kasi nakakita ng maganda yan."

"Mukha nga Chynn, wagas makayakap e." nagsorry sign naman si Glaiza. Hindi niya mapigilan ang mga luha niya na hindi maiyak. Agad niyang kinuha ang bulaklak kay Chynna at inabot kay Rhian. "Para sa akin 'to?" tumango naman si Glaiza bilang sagot. "Wow thank you! Chynna ang sweet naman ni Ted, na cucurious tuloy ako kung sino nasa loob niyan. Pwede ko bang makilala?" kinabahan si Chynna at Glaiza sa sinabi ni Rhian.

"Ah ano kasi Rhi ..." hindi niya alam ang isasagot.

"Hi Rhian?" sabay kiss ng mabilis sa chick ni Rhian, at bungad nito.

"Hello Mat?" pagbati ni Rhian. Nakaramdam naman ng selos si Glaiza sa nakita niya.

"Anak kanina ka pa hinahanap ni Mateo, andito ka lang pala. You know what anak bagay kayo nitong si Mateo, nabanggit niya sa akin na matagal na raw siyang nanliligaw sayo. Eh kailan mo ba kasi siya sasagutin?" tanong ng Daddy niya. Mas lalo naman nag init ang tenga ni Glaiza sa sinabi ng Daddy ni Rhian.

"Tito Dave handa naman po akong maghintay kung kailan ako sasagutin ni Rhian. And besides ang gusto ko ikasal kami agad kapag sinagot na hu ako ng anak niyo." preskong sabi nito.

"Ang presko ng lalaking 'to ang kapal ng mukha mo para mangarap na ikasal kay Rhian!" she said to herself.

"Ah Mat hindi naman siguro ito yung time to talk about it? Dad don't put a pressure, alam niyo naman pong wala pa sa isip ko yan. Work first before Love."

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now