"I can't believe you are weekly present at parties and gatherings of the rich pero wala kang alam sa mga tsismis? Haven't your so called friends informed you about them yet?" Na nunuyang tanong nya.

Hindi ito sumagot sa halip pinan dilatan lang sya ng mga mata. Bahagyang dumaan ang katahimikan sa kanila, ni hindi nga nila na punang iniwan na pala sila ng mga kasambahay dala ang anak nila.

"I don't care kung ma lugi man ang business ni papa, I'm still your wife and I still have more money compared to those hypocrites." Taas ang noong sabi ni Celina na na unang bumasag ng katahimikan.

"Is that so my darling wife? Have you forgotten what I just told you na kapag umalis ka I will cut down all your credit cards and remove your name on anything we have jointly." He said reminding her.

"But you can't be serious Rick! Hahayaan mo akong ma pag tawanan? Hahayaan mo akong mag mukhang kawawa sa mga mata nila?" Nandilat ang mga matang sigaw ni Celina.

"If you're here with me, hindi ka nila ma pag tatawanan, if you're here with me hindi ka mag mumukhag kawawa." Walang ano mang sagot nya.

"Mali! Dahil habang nan dito ako, pinag tatawanan nila ko behind my back! Habang nan dito ako mas mag mumukha akong kawawa dahil iniisip nilang pinag tataguan ko sila! I need to be out there to show them na mali ang akala nila, I have to be there showing them who i am!" Sigaw ni Celina.

" Then go, hindi kita pipigilan, but I already told you what i told you, it's your choice sweetheart." He said, na tinungga ang lahat ng laman ng baso at pabagsak iyong inilapag sa counter bago tumalikod at iniwan ang asawa sa sala grande.

Tinungo nya ang kusina at natagpuan nya doon ang anak na pinapakain ng matandang babaing matagal nya ng taga pag alaga at itinuring na ina. Bahagya nyang nilaro ang buhok ng anak habang matama syang minasdan ng matandang bakas ang lungkot sa mga mata. Bahagya syang bumuntong hininga at tipid itong nginitian as if telling her that he's okay.

Hindi na kumibo ang matanda at ipinag patuloy ang pag papakain sa anak nya. Habang tumalikod naman sya at tumanaw sa malawak na likod bahay, na may sari-saring puno at halaman.

Nasa ganon syang ayos ng marinig nya ang tunog ng papalapit na chopper, hindi sya kumibo, na kikiramdam lang sya sa paligid, hanggang sa mangawit sya sa pagtayo at marinig nya ulit ang tunog ng chopper na unti-unting na wala. May pumasok sa kusina at sa pag aakalang ang asawa iyon ay lumingon sya, pero isa lang pala sa mga kasambahay ang pumasok.

"Naka alis na po si ma'am Celina, kuya." Imporma ng kasambahay.

Na laglag ang balikat nya at kasabay ng pag buntong hiningay tuluyang nag laho ang pag -Asa nyang ma nanatili sa tabi nya ang asawa.

"Mag papahain na ba ako ng hapunan Lucien?" Tanong ni Nanay Tessa ang matandang mayordoma at ina-inahan nya.

"Mauna na ho kayong kumain nay, wala ho akong gana." Basag ang boses na sagot nya.

"Tina, paki panhik na si Vivien, linisan mo na at patulugin saka ka bumaba at sabay-sabay na tayong kumain." Baling ng matanda sa kasambahay, sabay abot dito ng bata. Agad namang tumalima si Tina.

At ng maka labas ito ng kasina dala ang bata ay muli syang binalingan ng matanda.

"Hindi na talaga na pigilan ang asawa mo anak, umalis nat iniwan kayong mag -ama dito, Bakit hindi mo sya sundan at manatili kayong mag anak sa syudad? iwan mo na lang ako dito, malakas pa ako at kaya pa namin ng tata Nilo mong pangalagaan ang rancho." suhistyon nitong marahan syang hinila at pina upo.

"Hindi nay, hayaan muna natin sya sa gusto nya, pasa-saan bat uuwi din sya dito lalo nat wala naman syang pera." Malungkot na sagot nya.

"Pero umuwi naman kaya sya anak? Masyadong matigas ang asawa mo at kung hindi ka mag papakumbaba'y baka lumala ang hindi nyo pag kaka-unawaan at sa kung saan mauwi ang lahat." May pagka bahala sa tinig na komento ng matanda.

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon