"Kailangan po sabihin niyo samin agad ha? Para pag pinaiyak ka niya, marami kaming magagalit sa kaniya. Hindi namin siya bati," tila nananakot pang sabi ng bata na lalong ikinatuwa ni Ana.

"Sige na. Maglagay ka na ng baby powder para lalo kang bumango, tapos bababa na tayo kasi handa na yung dinner niyo."

Mabilis naman na sumunod si Ashley sa utos ng dalaga. Nagtungo ito sa drawer at kinuha ang pulbo. Habang pinagmamasdan ang bata ay napaisip din si Ana. Apat na taon na nga naman ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi parin niya magawang magmahal ng buo. She knows na mahalaga sa kaniya ang asawa na si Ferdie ngunit alam niyang may kulang at hindi niya alam kung ano iyon.

















Ana

As I made sure na tapos ng maghalf-bath at mag-ayos ang mga bata, I accompanied them pababa to take their dinner. They used to eat and sleep early dahil hindi naman sila pinapayagang magpuyat ng mga madre. They have no gadgets na pag-uubusan ng oras kalalaro. They used to play outside, yung mga larong hilig talaga ng mga bata noon. One of the things that I adore with this orphanage, sobra silang hands on sa mga bata rito.

"Nanay!" a little voice called. Lumingon ako and I saw Pipoy na nasa taas pa ng hagdan. Hindi ko napigilang mapangiti nang marinig ang endearment na 'yon from him. Bumalik ako sa taas and I carried him para hindi na siya mahirapan pang bumaba.

"Bakit naiwan ka doon?"

"Nihanap ko pa 'yung slippers ko po," sagot niya while shaking his feet. "Nitago nanaman siguro po nila Isko!"

"Naku, bad yung nagbibintang nalang ng basta. Kung wala naman tayong proof na itinago nila Isko yung slippers mo, hindi natin pwedeng sabihin na siya nga ang nagtago." pangarap ko while I was heading to the kitchen.

Nang makapasok kami sa kusina, I searched for two vacant chairs na pwede naming upuan ni Pipoy but there's only one chair left so I decided na ako nalang ang umupo doon at kandungin nalang si Pipoy. Huli na nang mapagtanto ko na 'yung vacant chair is beside JM. Sadya ba 'to?

"Hiniram kasi nila Jackie yung isang upuan kaya nagkulang. Ano, kakandungin ko nalang si Pipoy para di ka mahirapan." sabi niya while rubbing Pipoy's hand and showing cute facial expressions to him. Seriously?

"No, it's okay. Ako nalang ang magkakandong kay Pipoy," I said as I showed a forced smile.

"Upo nalang ako kay Tatay po," Pipoy looked at me and gave me a sweet smile. Ooookaaaaay?

"Ayaw mo sa 'kin?" I pouted. Humagikgik lang si Pipoy bago magpababa at lumipat sa lap ni JM. Fine!

















Author

Hindi napigilan ni JM ang mapangiti nang makita ang paghaba ng nguso ni Ana. He just realized na hanggang ngayon pala ay selosa parin ang dalaga kahit sa mga maliliit na bagay. Isa sa mga dahilan kung bakit minahal niya ang dating kasintahan ay dahil sa effortless na cuteness nito.

He tried na sandukan ng kanin at ulam ang plato ni Ana but she insisted. Instead na makipagtalo ay ang sariling plato na lamang niya ang sinandukan niya. Salitan niyang sinusubuan ang sarili at si Pipoy na nakakandong sa kaniya. Bunso sa limang magkakapatid si JM kaya ni minsan ay hindi niya nasubukan ang mapalapit sa mga bata. Hindi niya hilig ang humawak, kumausap oh makipaglaro sa mga bata na siya namang kabaliktaran ni Ana. Noon pa lamang ay malapit na ang loob nito sa mga paslit.

"Tatay, aalis na agad ikaw po pagkatapos namin kumain?" tanong ni Pipoy sabay lingon kay JM.

"Bakit, ayaw mo bang umuwi ako?"

She's A FeMANineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon