“Eh ikaw sino ka nga ba?”dagdag pa nito.

“Ako lang naman ang totoong Mico na tinawag nya at nag-iisang Mico nya.” sabi niya saka ako hinawakan sa kamay at naglakad palayo sa natutulalang lalaki.

Gusto ko sanang lingunin ang lalaki para mabelatan pero hindi ko magawang lumingon dahil yung feeling ko na matatae, masusuka, maiihe ay bumabalik na naman.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Bakit ka ba nagpapahawak ng kamay  sa taong hindi mo kilala?”, masungit niyang sabi

“Hindi ako nagpahawak sa kanya, siya ang humawak sa akin” defensive na sagot ko sa kanya.

“Bakit hindi mo tinabig?” napanganga na lang ako sa kasungitan niya. Siya lang talaga ang may talent na at one moment ay sinusungitan ka and then in a snap ay pakikiligin ka. Kung kayo nga sasabihin niya ng “Mico nya” ewan ko lang kung hindi kayo mangingisay.

“Kasi dumating ka at kasalanan mo naman din kung bakit ako nahawakan ng lalaking iyon dahil hindi mo nagawa ang way ng pagiging gentleman mo”

“Dapat kasi Mr. Montalbo, e take note mo to. Kung maglalakad ka na may kasamang babae ay dapat na sabay kayo o di kaya ay pauunahin mo siya sa paglalakad hindi yung para siyang tanga na nakasunod lang sa iyo kagaya ng ginawa mo sa akin kanina.”

“Bakit ang daming arte ng mga babae?”ingos niya.

“Privilege namin yun at bakit ba unang lesson mo pa lang ang dami mo ng reklamo?”

“Oo na madam, you told me na may dalawa akong options, to stay in front or to stay at the side, which do you prefer?”

“Mas gusto ko yung at my side para mas romantic”, nakangiting sagot ko sa kanya.

“Arte!”sabi naman niya na halatang iniinis na naman ako.

“Ewan ko sa iyo Nognog na masungit” sabi ko at sakto naman nakarating na kami sa tapat ng isang restaurant.

“Welcome po Ma’am and Sir” nakangiting bati sa amin ng gwapong attendant at sinuklian ko naman ng matamis na ngiti. Nakakarefresh lang kasi na ngingitian ka imbes na pagsungitan ka. Habang ang kasama ko naman ay binigyan lang ako ng masamang tingin.

“Privilege mo rin ba ang ngitian ang lahat ng tao?”, masungit niyang tanong saka naglakad papunta sa isang mesa which disappointingly ay nasa unahan ko siya.

Pagbigyan since first day of class niya ngayon.

Pero bago siya umupo ay sinita ko na siya.

“Ops lesson number 2 kapag meron kang kasamang babae dapat ipinaghihila mo siya ng upuan”

“Bakit masyado bang mabigat ang upuan para ang lalaki talaga ang humila?”nakasimangot niyang sabi saka hinila ng malaks ang upuan. Mabuti na lang at malakas ang tugtog ng resto at hindi napansin ang pagiging harsh niya.

Si Introvert at ExtrovertTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang