“Okay I’ll go with this one”, sabi niya saka kinuha niya ang isang long sleeve na combination of white and black ang kulay ng design. It is the only long sleeve na my combination of colors since mostly ang pinipili niya ay plain lang. Kaya medyo nagtaka ako kasi iyon ang napili niya eh sa totoo lang ay ako ang pumili nito.

“Bakit yan?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Because I think it will go well with your dress”, sabi nya saka binitbit ang napili nya papuntang counter.

Habang ako ay naiwang nakatulala at parang maiihe at matatae o kaya ay masusuka, basta halo-halo ang pakiramdam ng tiyan ko sa sinabi nya.

Kailangan ba talaga niya ng tutorial?

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa palagay ko ay oo dahil pagkatapos niyang magbayad ay dire-diretso siyang lumabas na hindi man lang ako nilingon kong nadapa na ba ako sa pagkukumahog sa pagsunod sa kanya.

“Hey Mico!”, hindi ko namalayang napalakas masyado ang pagtawag ko sa kanya kaya napalingon ang iba sa akin.

Habang ang tinatawag ko ay parang wala lang sa kaniya na nagpatuloy sa paglalakad.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa paglalakad niya ng biglang may lalaking lumapit sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad.

“Hi” sabi niya flashing his set of white pearl teeth pero walang epekto sa akin.

“Hello something wrong?”

“Wala naman. Narinig ko na tinawag mo ako.”

“Huh? Hindi naman kita tinatawag ah” sabi ko na pilit na ngumingiti dahil habang tumatagal ay para siyang low pressure area na nade-develop sa pagiging bagyo. In short mahangin.

“You called me a while ago” sabi nya na ngumisi na hindi naman bagay sa kanya.

“Sorry Mister you must be mistaken, excuse me” sabi ko sa kanya atsaka nagpatuloy sa paglakad.

“Miss tinawag mo talaga ako”insist niya na sumabay pa sa paglalakad ko.

“I’m Mico by the way” sabi niya na hinawakan ang kamay ko.

“Get your hands off from her”, napaigtad ako sa boses na narinig ko. Dahil siguro sa naiinis ako sa lalaking nangungulit sa akin ay hindi ko namalayang nakalapit na pala si Mico sa amin.

“Who are you?” parang nakakalalaking tanong nitong si Mico daw kuno.

“Wala kang pakialam kung sino ako. Ikaw sino ka ba?”, masungit na sagot ni Mico at binawi ang kamay ko na hawak-hawak nitong lalaking gusto kong sakalin.

“Ako si Mico ang lalaking tinatawag niya.”,mayabang niyang sabi. Ang kapal talaga ng face.

Si Introvert at ExtrovertTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang