naisip mo ba? (moving on)

602 20 4
                                    

napakadaling mag advice na "mag move-on ka na", kung tutuusin napakadali naman talaga yan kung iisipin mo eh, kaso yang salita na yan madali yan pakita sa tao pero napakahirap tangapin at patunayan sa sarili mo.

kailan mo ba masasabi na nakamove on ka na? pag di mo na siya naiisip nakamove on ka na ba nun?bakit nung kayo pa nman may mga oras naman na hindi mo din siya naiisip db? ganun lang din un same lang. talagang nasanay ka lang, nung kayo eh pag nag iisip ka, nadamay siya.

pag ba may bago ka na ibig sabihin ba nun nakamove on ka na? bakit para pakita sa mga tao na may pinalit ka na mas hot at mas higit sa ex mo? di mo alam sa masaya lang yan sa simula in the end of the day ikukupara mo pa din siya sa ex mo.. asa sayo na yan kung magiging mas ok ba si bago o si ex..

yang pag momove on na yan mahirap daw yan sabi nila,, pero para "sakin" hindi nman yan mahirap, oo masakit kasi nawalan ka ng mahal, inisip mo ba na mawawala ba siya sayo kung kayo talaga para sa isa't isa?, iiwan ka ba niya/iiwan o ba siya kung talagang mahal nio ang isat isa?, mahirap sa simula kasi nasanay ka na sa mga bagay na ginagawa nio magkasama, pero tandaan mo may mga bagay ka ng ginagawa na wala siya bago maging kayo.. mas masaya kung kasama mo siya? naisip  mo ba na BAKA mas masaya kung ikaw lang mag isa tapos sasabihin mo sa lahat "nagawa ko yan ng AKO lang" at naisip mo ba na baka mas masaya pag BAGOng memories naman ung susubukan mo?.

kadalasan din na naririnig ko "wala na kasing kagaya niya" bakit naisip mo ba na "wala din naman na kagaya mo?" oo nga pinakita niya lahat ng makakaya niya para mag work ung sainyo pero naisip mo ba na pinakita mo na din naman lahat? ilan ba tinalukuran mo para sa kanya? ilang party ba ung hindi mo na-enjoy dahil abala ka sa kakaupdate sa text ng ginagawa mo sa kanya? o ung di mo na enjoy kasi nag aalala ka na baka magalit siya sayo? 

"sayang kasi ung pinagsamahan" oo sayang talaga, kasi dapat nung mga panahon na nag papakatanga ka sa kanya hindi mo alam na lumampas na pala sayo ung tunay o higit na mag papasaya sayo. kada pipilitin mo na maayos ung sa inyo, di mo naiisip na tinataboy mo na pala ung nararapat sayo.

"di ko kaya na makita siya na may iba na" ayan ang pinaka masakit, alam ko yan, totoo nman na masakit makita ung taong mahal mo naginagawa niya ung mga bagay na ginagawa niya sayo nuon, pero naisip mo ba ginawa niya un sayo at ginagawa niya sa bago niya kaya, ganun din ung ginawa niya sa marami niyang ex, in short tactics na lang niya un, inbis nasumimangot ka at umiyak dahil nasasaktan ka, look at the bight side mag paganda/gwapo ka para kung dadating ung panahon na ikaw nman makikita niya na ginagawa mo sa iba ung mga bagay na dati gusto niyang gawin mo e siya nman mag sasabi ng " di ko kaya na makita siya na may iba"

di ko nman sinasabi na wag kayong mag emo o masaktan kasi di ka pa nakakamove on, nasaktan din nman ako nun, sa totoo lang halos mabaliw din ako nung nawala sakin ung taong mahal ko. pero ngayon pag naiisip ko, mga katanghan ko nung mga panahon na iniiyakan ko siya, naisip ko "sayang ung luha ko" bakit ko nman kasi siya iiyakan eh di pa nman siya patay? (LOL) bakit nman kasi ako iiyak eh kung sana ung mga panahon na nag iiyak ako e asa party ako at nag papaganda, de sana baka may nakilala ako dun na willing na pasayahin ako.

ang love kasi kahit na anong gawin mo kung di tama ung pag kakataon sa oras niyo wala din mangyayari. meron talaga jan na susubok sa inyo kung hanggang saan kayo tatagal, hanggang saan niyo kayang hawakan ung salitang "mahal kita" naisip mo ba na asa move on satage ka ngayon kung pinanghawakan ng partner mo ung salitang yon?

di masama umiyak lalo na nasasaktan ka pa din,, isa dalawang linggo, isang bwan pero pag umabot na sa taon yang iyak mo abay KATANGHAN NA YAN.. 

"baka kasi bumalik siya kaya, iniintay ko siya" bakit naisip mo ba na kung mahal ka talaga niya kailngan pa ba niyang umalis? "hinahanap kasi niya sarili niya" bakit nawala ba? naisip mo ba na nung kayo ba nawala siya? bakit di ba niya pwedeng hanapin sarili niya ng kasama ka? o sabay kayong lumaban? 

alam ko na mahirap turuan ung utak lalo na kung un ung nararamdaman ng puso mo, o lalo na nakikita mo pa din siya sa paligid mo, bakit di mo isipin na kaysa nag mumuka kang tanga na bitter jan e inaayos mo ang sarili mo, tandaan mo "better you will attract better next"

eto lang lagi niyong iisipin..

pag may umalis may bagong dadating kailngan mo lang mag intay..

at wag mong panghinayan ung taong ikaw mismo ang sinayang..

okey lang umiyak, pero pag tapos nun, ayuisin mo ung sarili mo at ipakita mo at patunayan mo na hindi ka basta basta lang at mahihirapan siya na makahanap ng isang kagaya mo.

at lagi niyong iisipin. makakahanap ka ng kagaya ng pagmamahal niya sayo o higit pa dun, pero siya hindi na makakahanap ng kagaya mo. kasi nag iisa ka lang..
 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------opinyon ko lang po yan, wala po akong kinakampihan o kahit ano jan sa sulat ko, random po yan, pwede sa babae at sa lalaki :) smile di pa katapusan ng mundo.


naisip mo ba? (moving on)Where stories live. Discover now