Chapter 15

548 17 7
                                    

Piliin mo magmahal, piliin mo magpatawad.”

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Bakit nandito ka?” Maaninag sa boses nitong hindi niya nagustuhan ang pagbisita ng binata sa kanyang kaibigan.

“Please, gusto ko lang makausap si Sarah.” Pagmamakaawa nito.

“Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo siya iniwan lalo na sa panahong kailangang-kailangan ka niya.”

“Kailangan din ako ni Mommy at hindi ko siya kayang iwan.”

“Kaya si Sarah na lang ang iniwan mo?” Halata sa boses nito ang galit sa binata. “Matt maiintindihan ka naman niya eh. Walang kasiguraduhan ang buhay niya sa mga oras na yun at alam mo na isa ka sa mga taong pinanghuhugutan niya ng lakas ng loob para patuloy na lumaban pero anong ginawa mo, iniwan mo siya ng walang pasabi man lang. Sige nga, kung ikaw yung nasa kalagayan niya, sa tingin mo makakaya mo ding tanggapin ulit ang taong nang-iwan sayo ng ganun ganun na lang?”

“Sa maniwala ka’t sa hindi, pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko sa kanya Shin. Kung pwede ko lang sanang baguhin ang lahat ng nangyari gagawin ko. Pero wala eh, hindi ko kinaya at aminado akong nasaktan ko siya.” Paliwanag nito. “Kaya rin ako bumalik kasi gusto kong itama ang lahat. Gusto kong humingi ng patawad sa kanya. Gusto kong patunayan kung gaano ko siya kamahal.”

“Sinaktan mo siya ng sobra, Matt.”

“I know I don’t have the right to ask something like that from her after what I did, pero nasaktan din ako. At kung kailangang gawin ko ang lahat para mapatawad niya ako gagawin ko no matter what it takes.” Sagot nito. “At alam ko na pati kayo nasaktan ko dahil sa ginawa ko sa kanya kaya humihingi rin ako ng tawad kung hindi ko natupad yung promise ko na hindi ko siya sasaktan.”

“Sorry Matt, pero ayaw kang makausap ni Sarah.”

“Naiintindihan ko.” Halata sa boses nito ang lungkot. “Pero hindi ako susuko. At salamat dahil kahit alam kong galit ka pinakinggan mo pa rin ako.”

Nakita niyang tumango ang kaibigan at agad nang pumasok sa bahay nila Sarah. Siya naman ay nanatiling nakatayo sa labas ng gate ng bahay ng dalaga.

Narinig lahat ni Sarah pati na ng kanyang mga kaibigan ang pinag-usapan nila Shin at Matt. Binisita kasi siya ng mga ito nang nalaman nilang si Matt ang lalaking nang iwan sa kaibigan.

“Hindi ko siya talagang kilala pero base sa nakita ko, Sars bukal sa kalooban niya ang paghingi ng tawad sayo.” Komento ni Iya sa kaibigan.

“Hello!” Niko snap out. “Baka nakakalimutan mo, iniwan niya si Sarah ng walang pasabi”

“Alam ko naman yun. Hindi ko naman sinasabing patawarin niya na.” Sagot naman nito habang si Yeng naman ay hinahaplos lang ang balikat ni Sarah.

“Oh, wala na.” Saad ni Shin pagkapasok niya sa kwarto ng kaibigan.

“Sars okay ka lang?” Tanong naman ni Yeng sa kanya at nakita niyang tumango ito bilang tugon.

“Kung kayo ang nasa kalagayan ko, anong gagawin niyo?” Tanong ni Sarah sa mga ito.

Naupo naman si Shin sa tabi ng dalaga. “Ganyan na ganyan din ang tanong sakin ni Ate nang mabuko niya yung boyfriend niya na may iba.Hindi niya kasi alam kung anong gagawin niya, kung isusuko daw ba niya yung relationship nila or papatawarin niya.” Pagbabaliktanaw nito. “Hindi ko alam kung anong nangyari sakin kasi that time wala akong maisagot. Para akong nablanko. Siguro kasi hindi ko pa naman yun nararanasan. Pero the next day, habang nagbabasa ako online may nakita akong quote, ang sabi, ‘Piliin mo magmahal, piliin mo magpatawad’. Tapos pagbaba ko, nakita ko siya na kausap si Kuya Dan. Hindi sila nagkaintindihan kasi nakita kung malungkot siyang umalis. Lumapit ako sa kanya tapos tinanung ko kung mahal pa ba niya. Sumagot siya ng oo and then sinabi ko yun sa kanya. Hindi siya nakakibo pero bago siya umalis papuntang US nagkaayos sila at hanggang ngayon sila pa rin.” Napansin nitong nakikinig sa kanya ang lahat. “Hindi ko naman sinasabi na patawarin mo siya agad kung nararamdaman mong hindi mo pa kaya ibigay yun sa kanya pero sana pakinggan mo rin yung side niya.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon