CHAPTER 1

138 5 0
                                        


KABANATA 1

Umalingangaw ang iyak ng sanggol na batang babae sa paligid ng buong kagubatan. Isang payak na kubo sa gitna ng kagubatan kung saan ipinanganak si Alia ng kanyang Ina na si Rosalinda.

"Rosa, napakagandang batang babae ang anak mo." sabi ng kanyang Ina na si Ignacia nakarga-karga ang sanggol.

Nakangiti ng matipid si Rosa habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Walang masidlan ng kaligayahan ang nararamdaman niya ng masilayan ang kanyang pinakamamahal na anak na pinangalanan niyang Alia Gracia del Valle.

Habang tahimik ang paligid at tanging iyak ng bata ang naririnig ay di-alam ng mga tao sa kubo na may mga ibang nilalang na nakikinig at nakikita sila. Nagmamasid at binabantayan lang sila nito.

Makalipas ang tatlong taon ay lumaking maganda at masayahin na bata si Alia. Lingid sa kaalaman ng lahat ay may naging kaibigan at tagabantay ang batang babae na si Alia. Habang naglalaro sa bakuran ng kubo nila ay masayang tumatakbo at humahagik-ik ang batang babae. Noong una natutuwa si Rosa na pagmasdan at panoorin ang kanyang anak na si Alia na naglalaro.

"Alia, mag-iingat ka sa pagtakbo anak." sabi ni Rosa habang pinapanood si Alia.

Sa likod ng kanilang kubo ay may isang balon kung saan sila doon kumukuha ng tubig. Habang naglalaro si Alia ay hindi namalayan ng bata at patakbo-takbo hanggang sa nahulog sa balon.

"Ahhh!" sigaw ni Alia.

Narinig ito ni Rosa habang siya ay nagluluto sa kusina at dali-dali niya itong tiningnan. Una hinanap niya sa bakuran ngunit may narinig siyang tunog sa likuran ng kanilang bahay. Dali-dali siyang pumunta doon at nakita niya si Alia na basang-basa at humihikbi ng iyak.

"Anak ko! Anong nangyari sayo?" tarantang nilapitan at niyakap ang anak.

"Hulog po ako" sagot ng bata habang tinuturo ang balon.

"Ano?! Eh... paano ka nakaakyat?" nagtataka at nagulat si Rosa sa narinig at kinikilabutan na napatingin sa balon.

"Ibigan ko po, tulong tsakin" sagot ng bata na bulol pa.

"Halikana at makapagbihis." kaagad kinarga niya si Alia at pumasok na sila sa loob ng bahay.

Simula noon binabantayan na niya si Alia na hindi mapunta sa likod bahay lalong-lalo na malapit sa balon.

"Inay, nag-aalala po ako kay Alia?" wika ni Rosa sa Ina niya nang dinalaw sila nito.

"Bakit anak may problema kaba sa kanya? Maysakit ba ang apo ko?" nag-aalalang tanong ni Ignacia.

"Hindi po Inay, wala naman pong sakit si Alia. Kaya lang noong isang araw naglalaro po si Alia sa likod bahay sa may balon at ako naman ay nagluluto sa kusina kaya hindi ko siya nabantayan.

"Tapos?" curious na sabi ni Iganacia.

"Nahulog po siya sa balon." si Rosa.

"Ano?!" gulat na sabi ni Ignacia. Okay lang ba ang apo ko? Buti naman at nakuha mo siya kaagad baka nalunod na yang apo ko. Diyos ko po!" ninerbyos na pahayag ni Ignacia.

"Nagpapasalamat po ako na okay si Alia, ngunit hindi po ako ang tumulong sa kanya." Kinilabutan si Rosa habang pabulong na sabi niya kay Ignacia.

"Huh? Kung ganon sino sumagip sa kanya?"

"Sabi po ni Alia ay kaibigan niya daw po ang tumulong sa kanya." sabi Rosa na mahina ang boses at kinikilabutan parin sa ikinikwento.

"Sinong kaibigan? May kapitbahay na ba kayo dito?" si Ignacia

I WAS MADE FOR LOVING YOUStories to obsess over. Discover now