Final

37 0 0
                                        

Random pre-debut gif of Wen Junhui and Seokmin haha. 

-

"Oy, Jun." Tawag ko sa bespren ko habang gumagawa sya ng assignment namin. Tapos ko na kasi yung akin bago ako pumunta dito sa bahay nila. We've been friends ever since I have become aware of my memories. Ganyan na kami katagal magkaibigan at magkapit bahay. We're both the only child  in our family kaya super close kami, daig pa namin yung ibang mga kambal kasi halos pareho kami ng mga gamit tsaka hilig. But I'll never think of him as a brother. Hala!! Edi naging incest na kami kapag ganun. Haha. Aminado pa naman akong may gusto ako sa kanya. Kahit na mukha syang nerd simula nung naghigh school kami, kahit na mukhang wala syang feelings sakin, kahit tinutubuan na sya ng pimple sa ilong. Hahahaha. "Problema mo?" Iritang tanong nya. "Ang bagal mo Jan. Bilisan mo. Laro tayo." Mahilig kaming maglaro ng x-box, ps2/3/4, Wii. Basta yun. Simula na talaga nung bata kami, hobby na namin yun. Isa sa mga ibang ginagawa namin maliban sa panonood, pagbabasa, pagskate board nya at pagbike. Sa sobrang hilig namin, puyat kami lagi dahil don na ikinasira ata ng mata nya kaya ayan. Nagsusuot tuloy sya ng salamin na lalong nagpamukha sa kanyang nerd. Kahit hindi naman talaga. Ewan ko ba dito. Ang gwapo gwapo naman nya pero hinahayaan nya lang yung mga kaklase naming asarin syang nerd at loner. "Eto na, tapos na." Tinago nya na yung gamit nya at nagsimula kaming maglaro and during the game ay nagkekwentuhan kami. Random shits lang ng naalala kong malapit na pala ang prom. Hindi sya um-attend last year sa dati naming school at dahil dun. Di din ako um-attend. Ayaw nya dun sa desicion ko kasi handa na daw lahat, oo nga naman. Nakapagpadesign na si Mama ng gown ko at lahat lahat na. Nagpanggap nalang akong may sakit nun para di sya magalit kasi I'm being stubborn, that night ng prom sinabi ko kay Mama na di ako pupunta. Alam naman nya yung reason ko at alam nyang crush ko si best friend kaya hinayaan nalang nya ako noon. Jun asked me why I didn't go kasi nakita nya akong nasa loob ng kwarto ko. I faked a cough and told him I'm sick. Agad syang pumunta samin tapos inalagaan nya ako. Oh, diba. Kaya okay lang na hindi ako nakapunta noon kasi inalagaan ako ni best. Hahaha. Although nanghihinayang ako kasi mukhang nag-enjoy yung mga kaklase ko. Hayy. "Jun. Pupunta ka sa prom." Sabi ko. Isa yang statement. Not a question. Hindi ako papayag na di sya pumunta. "Hindi. Alam mong di ko trip yun." Iiling iling pa sya kasi natatalo ko na sya. "Hindi ako nagtatanong. Kaya wag mo akong sagutin ng hindi." I grinned nung talo na yung avatar nya. Nagpalit kami ng game then continued with our conversation. "Ayoko pumunta. Wala naman akong gagawin dun e." Bakit ba kahit boses nya lang ang gwapo na nya agad? Shet lang. Ganun na talaga ako kainlab sa kanya? Hahaha. "Meron kang gagawin dun!" I insisted. "Ano? Tutunganga habang naghihintay ng pagkain?" Natawa pa sya ng konti. Napasimangot naman ako. "Hoy. Wala ka talagang balak isayaw ako? 'No? Walang kwenta ka talagang best friend! Pano nalang kung walang magsayaw sakin dun? Edi pahiya much ako?" Nagpout pa ako para cute. "Asa namang walang mag-aaya sayong sumayaw. You're famous, you're one of the top students in school and besides you're pretty. Tingin mo talaga walang mag-aaya sayo?" Tsk. Sya nga walang balak e. Kainis. Diba diba? Sabi sa inyo forever one sided to e. "Yung crush mo ngang si Joshua, halatang gusto ka nun. Panigurado na yun palang isasayaw ka na." He's referring about Joshua Hong. Oo, crush ko yun. Bukod kasi sa Gwapo na, Matalino rin sya pero hindi nerdy. Sya talaga ang candidate for valedictorian kung hindi kami nagtransfer ni Jun. At ayun nga, maangas kasi sya na Ewan pero mabait. Pang leading man ang ugali. Hindi tulad dito. Tss. Pero mas gwapo at mas Matalino pa rin itong si Jun tsaka kahit madalas nagtatarayan kami, sobrang bait nyan sakin. Little sis daw nya ako e. Hahaha. Saklap nga e. "Okay, fine. Hindi na din ako pupunta." I shrugged and dropped the topic. Next time na ako mag-iisip ng panibagong paraan para mapapunta sya sa prom. Sya lang dapat ang first and only dance ko 'noh! Tss. "Bahala ka."

"Mommy Emerald!" Nakangiting bati ko sa Mommy ni Jun. Mommy na tawag ko sa kanya kasi parang mommy ko na din sya tsaka sya din naman future mom-in-law ko e. HAHAHAHA. Bakit ba? Boto naman sya sakin e. Si Jun lang talaga ang pakipot. Tsk tsk. "Anong oras po kayo dumating? Dapat sinabihan nyo ko para sumama ako kay Jun sa pagsundo sainyo." Sabi ko tsaka kumalas sa hug namin. Madalang lang kasi sya dito umuwi. Katulad nila Mama dahil sa business. "Halos kararating ko lang. Hindi alam ni Jun na umuwi ako. Alam ko namang puyat yun palagi dahil sa paglalaro nyo." Kilalang kilala na talaga kami  ni Tita. Mga 3 na din ako umuwi samin kasi naglaro lang kami. Linggo naman ngayon kaya okay lang. "Ba't pala ang aga mo? 8 palang a?" Tanong nya habang sinusundan ko sya sa kitchen. "Ipagluluto ko sana sya ng breakfast e." Nahihiya kong sagot. Buko na naman ako sa panliligaw ko oh! "Ang cute cute nyo talagang dalawa ni Jun. Pwede na kayong mag-asawa! Pareho kayong magaling magluto. Pero wag muna kayong mag-asawa. Bata pa kayo. Pagkatapos nalang ng pag-aaral nyo. Kahit sagot pa namin ang kasal." Natawa kaming dalawa.  "Naku Mommy, hindi pa nga umaamin si Jun na gusto nya ako tapos kasal na agad?" Tumàwa ako kahit masakit yung katotohanan na baka di nya talaga ako gusto. "Ay. Oo nga. Ipagluluto mo sya diba? Sakto kasi ipagluluto ko din dapat sya pero namomroblema ako na hindi nya din magugustuhan." Nagchuckle si Mommy Em. Palibhasa kasi hindi sya marunong magluto pero magaling naman syang mag-bake! "Ipagbake mo nalang kaya siya Mommy? Tapos ako na bahala sa pagkain. Panigurado magiging brunch na din kain non. Pang dessert nalang gawin nyo!" Nakangiti kong suggestion. She nodded and told me that it's a great idea. So, I cooked the heavy meal and Mommy Em went to her dish. Kanina pa ako tapos magluto, si Mommy Em naman ay nilalagyan nalang ng konting design yung blueberry cheesecake na ginawa nya. After that ay nagkwentuhan muna kami and then a bright idea popped in my head. *evil grin* 

JunhuiWhere stories live. Discover now