Chapter 59: Who are you?

Start from the beginning
                                    

Bakit? Kung wala na ng bisa pa ang deal namin ni yelo na magpanggap bilang couple ay hindi naman 'yon alam ng mga tao na naghiwalay-kuno na kami since si yelo mismo ang nagannounce sa kanila dati na kami na.

Subalit mukhang hindi rin magpapatalo si brat dahil nakuha pa nitong ngumisi ng mapang-asar atsaka pasimpleng inihilig ang kanyang ulo sa braso ni yelo.

"Oh really? Boyfriend mo si Ice? Bakit hindi halata? Kung pagmamay-ari mo nga siya eh bakit hinahayaan mo lang siyang mahawakan ng iba? Bakit nasa tabi ko pa rin siya hanggang ngayon at hindi sayo? Bakit mas pinagtatanggol niya ako kaysa sayo?" Mapang-asar na tanong nito na para bang nakakasigurado siyang hindi ako makakasagot sa mga tanong niyang walang kwenta.

Unti-unti akong napangisi sa mga tanong na ikinakunot-noo niya naman.

"Bakit ka ngumingisi?" naiirita nitong tanong.

"Why? It's because of you, stupid brat. Alam mo sa dami ng mga walang kwenta mong tanong, simple lang ang masasagot ko sayo at 'yun ay dahil may tiwala ako sa kaniya pero sa mga lintang dumidikit sa kanya ay wala. Kating-kati na nga akong sunugin yung isang linta eh." Sagot ko at mariin siyang tinignan bago ko itinuloy ang sinasabi ko. "And to be honest, naaawa ako sayo. Bakit? Kasi isa kang sikat at hinahangaan na artista. Maraming nagmamahal sayo at marami ring humihingi ng atensyon mo kahit isang simpleng pagsulyap mo lang. Pero dahil lang sa isang tao ay hinahayaan mong bumaba mo ang dignidad mo. Dahil lang sa isang tao, makikipag-away ka dahil lang sa isang walang kwentang bagay. Brattina De Vera, I pity you. You're"

"Enough!" Sigaw ni yelo na ikinagulat ng lahat kahit na si brat na nakatulala lang sa akin dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya ay nagulat rin sa sigaw ni yelo.

"You." Mariing tawag ni yelo sa akin habang nakaturo siya sakin. "We'll talk whether you like it or not." Maawtoridad nitong sambit bago liningon ang magkambal na nakatulala sa kaniya dahil mukhang pati sila ay nagulat rin sa sigaw niya.

"Twins, you know what to do." Maawtoridad rin nitong sinabi sa kanila at mabilis naman silang tumango bago nila hinila si brat na hanggang ngayon ay wala pa rin ito sa kaniyang sarili.

Ha! Ano ka ngayon brat? You messed with the wrong person.

"Everyone, ayokong pinag-uusapan niyo ang mga nangyari dito ngayon. Once I heard you talking about this incident, then we'll have some serious issues. Now, leave." Seryoso nitong saad na ikinaalis naman nila dito sa garden except sa tatlo kong kaibigan na hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin.

Nang makaalis na silang lahat ay walang emosyon na naglakad papalapit sa akin si yelo.

Bago pa niya ako mahila ay biglang humarang sa harap niya sila Louise, Keanne at Kiana.

"Anong gagawin mo sa kaibigan namin?" Tanong ni Louise ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ni yelo bago ito sumagot.

"If you did listen to what I just said earlier, then you know what I will do with her. But if you didn't, then it's not my problem anymore."

"Alam na namin ang deal niyong dalawa, Steven. So if I were you, I would step back." Sambit naman ni Kiana.

"I'm sorry but I'm not you so I won't."

"Kaibigan namin si Sunny, Steven. Kaya please lang... Lubayan mo na siya. Nandyan na rin si Brattina diba? Wala nang koneksyon si Sunny sayo. Wag mo na siyang guluhin pa." Saad naman ni Keanne.

"Nakikita mo ba ang pake ko? Hindi mo makita? Hindi ko rin makita eh. So excuse me." Balewalang sagot nito at mabilis na kinuha ang kamay ko atsaka ako hinila.

"Kitty..." tawag nila sa akin ngunit umiling lamang ako sa kanila at sinabing "kaya ko na" bago ako tuluyang hinila ni yelo paalis sa kanila.

~>~>>~>

Nang makarating na kami sa office niya ay mabilis niyang isinara ng pabagsak ang pintuan bago niya ako liningon at tinignan ng matalim.

"What the hell do you think you're doing there?! And what are the bullshits that you're saying?! You even told them about our fucking deal, woman! Tell me, what happened to you? You suddenly change-"

"No. You are the one who needs to tell me, Willford! Tell me why did she call you Ice! Tell me what the fuck is happening because this is seriously making me nuts! Tell me what the hell happened to you! Why the sudden change? Parang nung isang araw lang ang tino mo pang kausap at pakisamahan pero ngayon hindi na! Ang hirap mong intindihin! Dinaig mo pa yung babaeng naglilihi at may period. Simula nung dumating ang brattina na 'yon ay nagbago ka na! It's like you're not the same yelo that I used to know." Hinihingal kong sigaw habang dinuduro ko siya.

Pagkatapos kong magsalita ay biglang naging mahinahon at bumalik nanaman sa walang emosyon ang kaniyang mukha.

"Why? What's the difference between me and the yelo that you used to know? Oh wait... Is there really any difference, Ms. Villegas?" Malamig nitong tanong na ikinatigil ko.

Oo nga naman, Sunny. May pinagkaiba ba? Tandaan mo, lahat ng mga pinapakita niya sayo dati ay parte lang ng deal niyo. Pakitang-tao lang ang mga 'yon. Wag kang magassume o magexpect sa isang Steven Willford o kung 'yun nga lang ba talaga ang buong pangalan niya.

"There's no difference 'cause in the first place, I don't know who you really are. It's like I had a deal with a stranger. Mr. Willford, since I guess you already got your girl back in your arms. This day will be the end of our deal. I did my part as your pretend girlfriend slash slave in exchange for my scholarship. So please, wag mo nang guguluhin ulit ang buhay ko." Seryoso kong sinabi bago ko siya tinalikuran at naglakad paalis ng office niya.

Ngunit bago ko pa maabot ang door knob ay biglang siyang nagsalita na ikinagulat ko.

"Who told you that the deal is over?"

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now