Nagkaroon kami ng Poetry writing sa Contemporary Arts. Isa isang nagrecite ang mga volunteers at isa na ako doon.
Ang aking tula ay para kay Ken. Wala na akong feelings sa kanya pero parang ang sarap ilabas ng matagal ko nang kinikimkim na sakit dulot ng ginawa niya sa akin.
"Umaasa"
" Bakit iibig pa,
Kung puso'y binabaliwala?
Bakit aasa pa,
Kung ako'y lagi mong pinapaniwala?
Hinahangaan ka
Inspirasyon kita
Pero sa iyong mga mata
Ako'y di nakikita
Akala ko noong una
May pag-ibig kang tuwina
Akala ko noong una
May pag-ibig na madadama
Oo, umasa ako
Umasa akong makikita mo ko
Oo, natuwa ako
Natuwa ako noong napansin mo na ko
Labing-isang araw na nagkausap
Bawat araw mata'y kumikisap
Ngiting nariyan na nahahagilap
Pakiramdam ay parang nasa ulap
Ngunit isang araw, ika'y biglang naglaho
Pagkakaibigan ay naging abo
Umasa ako sa pagbabalik nito
Ngunit mga pangako mo'y napako
Bakit iibig pa,
Kung puso'y binabaliwala?
Bakit aasa pa,
Kung ako'y lagi mong pinapaniwala?
Tama na."
Iyan ang tulang ginawa ko para sa kanya. Hindi ko maiwasang di siya tingnan habang nagtutula. Medyo napapaiyak na din ako habang nagsasalita. Pati ang mga classmates ko nadadala na din sa hinagpis ko.
Ano nga bang nangyari saakin at kay Ken na naging sanhi ng pagkabitter ko? Eto ang aking kwento..
December 2015
Mayroon kaming HighSchool Concert kaya todo practice ang bawat hs grade level para sa kanya kanyang performance. Sa Grade 10, sayaw ang performance kung saan I'm one of the dancers. Doon ko nakilala si Ken. Hindi pala. Doon ko siya muling nakita. Napapansin ko na siya kahit noong Grade 9 pa ako pero never kami nagkaroon ng encounter sa isa't isa. Ilang oras bago ang mismong concert, nagkaroon kami ng Rehearsals. Habang naglalakad sa hallway, bigla kaming nagkasalubong ni Ken. Nagulat ako kasi bigla niyang ako inapiran haha! Doon na nagsimula ang closeness namin. After ng concert, nagchat agad kami at nagpakilala ng mas maayos. Nagkasundo kami agad dahil pareho kaming hugotero/hugotera at corny magjoke. Araw araw kami nagchachat. Kahit anong oras. Sya palagi ang unang nagchachat. May times na sobrang gabi na magchachat agad sya pag nakarating na siya na dorm nila. Nasabi nya rin na crush nya daw ako. Crush na iniidolo sa pagsasayaw.
Noong Christmas Party namin, naghug pa kami dahil yun nalang daw ang gift ko sa kanya. Inaasar din kami ng mga barkada nya kaya di ko maiwasang isipin na baka may something talaga.
Akala ko iyon na ang hinihintay ko. Akala ko may something na, yun pala wala. Isang araw habang nagchachat kami, biglang sabi niya na hindi nya na daw dadalasan ang pagchat niya kasi baka daw mafall ako. Sumang-ayon naman ako. Kaso ang pag-aakalang di na madalas na pagchat ay napunta sa wala nang komunikasyon. Simula noon, never na kaming nagchat at nagkaroon ng communication. Masakit. Oo. Akala ko yun na eh. Biglang wala pa. Sorry kung sinasabi kong pinaasa nya ko pero yun yung naramdaman ko eh. Pero siguro ang gusto niya lang ay pagkakaibigan. Pero sana hindi nya sinira ang pagkakaibigan namin.
Noong January, nagkaroon kami ulit ng encounter dahil Sports Fest namin at isa sya sa facilitator. Nagkabonding kami. Nagbasketball kahit di ako marunong haha! Gusto ko sanang linawin kung anong nangyari pero nagulat nalang ako noong nalaman kong 1st Monthsary na pala nila noong gf nya. Nagulat ako sobra. Kaya naman pala bigla siyang nawala.
Nagkachat ulit kami at nagpromise siya na ibabalik niya ang friendship namin. Umasa ulit ako. Kaso nagselos at nagalit saakin ang gf nya kaya wala na talagang pag-asa na maibalik ang friendship namin ni Ken.
Marami pang nangyari pero hindi ko na ikekwento. Hindi na kailanman naibalik ang closeness namin ni Ken.
Mahirap tanggapin na kaklase ko siya dahil araw araw ko siyang makikita kung saan maaalala ko nanaman ang nangyari sa nakaraan.
Pero masaya akong malaman na bawat araw na lumipas, narerealize ko na wala na akong feelings sa kanya. Kung tingnan ko man siya, wala na kong maramdamang kakaiba. Masaya ako dahila nakawala na ako sa kalungkutang dala niya.
KAMU SEDANG MEMBACA
Palagi Nalang Bang Aasa Sa Wala?
Fiksi RemajaAko nga pala si Charmaine. Isang babaeng hopeless romantic. Hindi naniniwala sa forever in short, bitter. Pano ba naman? Kung kailan akala mo may something na, yun pala pinaasa ka lang, friendzoned o kaya naman ay taken. Ganyan kasaklap ang lovelife...
