Random Feelings

49 2 0
                                        

Prolouge
"Friendship over"
Salitang masakit marinig sa taong binigyan mo ng kahalagahan. Mas lalong nakakabigat sa damdamin na sinabihang kang isa kang malaking panira sa kanyang buhay. Aaminin mo obsesse na obsessed ka na sa kanya. May mga bagay talaga na hindi mo kayang makuha. Hindi natin hawak ang kanilang manhid na puso at utak na walang magawa kundi isipin ang mga mali mong ginagawa. Pinakita mo lang naman na kung gaano mo siya kamahal (effort much). Umiiba talaga ang ihip ng hangin o bilog talaga ang mundo. Dati siya ang sandalan mo sa iyong mga problema ngayon siya na yung pinoproblema mo........... Pinoproblema ng iyong pusong sumisigaw na mahal mo na siya. Sa pagka-obsesse mo nagawa mong maging stalker. As in stalker, araw- araw nagagawa mong magstalk sa kanya gamit ang lahat ng social media na mayroon siya. Nagawa na niyang murahin ka dahil sa mga pinaggagawa mong kabaliwan. Manhid ka na talaga sapagkat mga masasakit na nga yung ginagawa niya sayo at ikaw naghahabol pa rin hanggang humantong ito na gusto mo nang sumuko. Sadyang pinagkaitan ka ng tadhana kasi nahulog ka sa taong alam mong wala kang pag-asa. Ano pa ang magagawa mo na simulan mo na siyang mahalin at balang araw kakayanin mo ring tapusin kung ano man ang nararamdaman mo sa kanya. Nakakatawa kasi crush nga lang di ba bat humantong sa ganitong bagay na masasabi mong kabaliwan. Nagkaroon ka ng pagbabago kapag nakikipagtungo sa mga taong nakapaligid sayo. Nagiging kang malungkutin at gusto mong palagi kang nag-iisa. Kapag nagmahal ka handa ka dapat sa mga maaaring maging kalalabasan at huwag mo kalimutang mahalin mo muna ang iyong sarili
....
....
.....
...
........
...
......
...
Nakatadhana bang masaktan ang iyong pusong hangad lang ay mahalin ang mga taong nagbibigay sayo ng lakas sa buhay.
.....
Tadhana ka nga talaga o God's will

Highschool life is the best experience I have.

Naranasan mong mainlove.
Naranasan mong masaktan ng paulit- ulit.
Naranasan mong gumawa ng mga bagay na hindi mo ginagawa noong normal lang ang buhay mo na walang kang iniisip sa mga luv luv na yan.
.....
Kung mahal mo ang isang tao, dapat tanggap mo kung ano man ang meron siya.

Ako nga pala si Hanj Anderson. Simpleng studyante sa isang international na school at nagsusumikap na makakuha ng diploma sa highschool. Stalker ng lipunan. Walang magawa kundi makipagpantasiyahan sa aking hinahangahan noon, ngayon minamahal ko na siya. Nababaling ang pokus ko sa kanya at hindi na sa aking mga umaapaw na prayoridad sa buhay. Ang saklap kasi nahulog ako sa aking best friend at sa maling tao. Ako mismo ang umamin sa kanya. Tanga ako sa pag-ibig. May half chinese.

Archie Gonzales - may pusong babae at may planong paasahin ang lahat ng lalaki sa mundo. Girly kung baga gumalaw. May magandang boses at mapaghihinalang talagang beki. Best friend niya si Hanj Anderson at parehas ang kanilang pinapasukan na school. Nabago ang kanyang buhay nang mahalata niya na ang kanyang best friend ay nahuhulog na pala sa kanya. Sa mga hinalang iyon nagawa niyang iblock si Hanj at saktan ng labis. Siya mismong nagsabi ng salitang iyon. Mismong siya....

Djeanne Melgar - isang honor student at tatlong taon niya nang kaklase si Hanj Anderson. Naranasan na rin niyang maging obsessed sa taong wala siyang pag-asa. Mahilig sa libro at walang inatupag kundi magbasa ng magbasa hanggang sa magkaroon siya ng mga bagong pananaw patungkol sa pag-ibig. Siya ang nagbigay ng advices kay Hanj at malamang kilalang -kilala niya si Hanj lalo nang inlove ito sa kanyang best friend.

Nathalie Rolands- mahilig kumain at masayahin. Nag-aaral ng mabuti at marami siyang pangarap sa buhay.

Nickie Laughtner- magaling sumayaw lalo na sa ballroom. Bestfriend niya si Nathalie Rolands at kasa- kasama niya ito palagi subalit kung minsa'y parang aso't pusa kung silang mag-away. Yan na dalawa babae ay makikita mo na lang na magkabati na sila. Nagsusumikap ring makatapos sa highschool.

Veronica Estevañes - Masungit at kung inaabutan ng topak ay hindi mo makakaya ang kanyang ugali subalit kahit ganun siya ay mabuti siyang kaibigan. Parang kapatid na ni Hanj. Palagi silang magkasama.

Alliana Gonzales - nagkakaroon siya ng workshop about modelling at kapatid siya ni Archie. Siya ang nagsasabi ng mga sekreto ni Chie kay Hanj. Naging daan rin siya ni Hanj para maibalik ang friendship nila. Maganda at mabait.

Yasmin Broock - isip bata kung umarte. May paagkakikay rin siya at sa konting mali mong galaw ay magtatampo siya at mismo pa siya pa ang magagalit sayo lalo na kapag hindi na sususunod ang kanyang gusto. Dapat sa lahat ng oras pagbigayan mo siya para walang away at sana may mahaba kang pasensiya kang nakatago diyan dahil kahit wala sa oras mapapaaway ka.

Catherine Mitler- isang mapalabirong kaibigan at kaklase at kung minsan ikaw mismo ay mahahawa sa kanya. Katandem niya si Hanj Anderson "dati" sa mga bagay na tulad into. Isang volleyball player at mahilig gumuhit. Isa rin siya sa mga honor student at masipag sa kanyang nakaatas na gawain sa school.

Kate Cheng - dyosa sa lahat. Kung gaano kaganda sa labas ay ganun rin sa loob. Isang honor student at hindi nakakapagtaka na marami na siyang naging bf eh nasa kanya na ang lahat. Para sa kanya experiences is the best teacher.

Hanalyn Beltran - ahas kung kumapit at plastik kung makitungo lalo na kay Hanj Anderson. Kahit ganun itinuring pa rin ni Hanj siya bilang kaibigan. Isa sa mga humuhugot kay Hanj pababa.

Arlene Zamora - naiinggit kay Hanj at nagagawa niyang sirain ang buhay ni Hanj lalo na nung nalaman niyang malapit nang masira ang friendship nila ni Archie Gonzales.

Megan Castro - Ayaw niya kay Hanj dahil sa sobrang pagkainggit niya rito. Palaayos at walang pakialam sa pag-aaral.

Nadine Lopez - mayaman at boyish type. Naiimpluwensiyahan siya ng mga "BS".

Bradley Forteza - binubully niya si Hanj. Mahilig magkompyuter at wala nang balak magpursigido sa pag-aaral. Naging ex siya ni Megan.

Jake Marquez - playboy at lakas mangtrip. May pag-asa pang bumago at makahabol sa kanyang bagsak na grado.

Arcus Jake Park- napagkakamalang beki kasi makembot pa siya sa mga babae kung sumayaw. Kaparehas niya palagi kapag ballroom ang sinasayaw ay si Nickie Laughtner. Matalino at nagpupursigidong makapasok rin sa qualifiers.

Luis Rivera - matalino, gwapo, mabait at nandoon na sa kanyang lahat. Siya ang top sa klase. Talo pa niya si Hanj Anderson kasi pang rank 2 siya.Ideal man sana ni Hanj subalit anong magagawa niya mas nahulog ang kanyang puso sa iba at hindi lang sa iba kundi sa bestfriend niya.

Random FeelingsWhere stories live. Discover now