Chapter 12

6.1K 141 16
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa loob ng aking kwarto. Tumingin muna ako sa kisame at kumurap-kurap.






"Totoo ba 'to lahat?" Tanong ko pa sa aking sarili. Naalala ko lahat ng nangyari kagabi. Matapos namin nya akong yakapin ay pinatulog na nya ako at natulog akong magaan ang pakiramdam.






Bumuntong hininga ako tsaka nag-inat. Tumingin ako sa pintuan at hinihintay ko ang pagkatok ni Alex roon, hindi nga ako nagkamali.






Ilang segundo pa ay may kumatok na't umawang ang pinto. Napangiti ako at dali-daling bumangon.






"Oo, ito na. Lalabas na ako." Hindi ko sya pinagsalita at nagtatakbo ako palabas. Pero wala akong maamoy na niluto nya o ano pa man kaya medyo nagtaka ako.





Pagkalabas ko'y halos mapaatras ako sa aking nakita.






"Good Morning." Bati nya sa akin at may inabot sya sa akin. "Sabi ni Rose mahilig ka sa teddy bear." Ngiti pa nya. Color pink at sobrang laki nito. Totoong mahilig ako sa ganito dahil gusto kong may kayakap habang natutulog ako at pinapalibot ko ito sa aking kama para mas malambot.






Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat sa kanya. Nilibot nang aking paningin ang buong paligid.





"Nagugutom ka ba? Hindi ako nakapagluto kasi binili ko 'to." Sabi pa nya. "Nakakuha din kasi ako ng part time doon sa University nyo, taga-ayos lang ng mga librong ginugulo ng estudyante at ilalagay sa tamang shelf tuwing uwian."







"Ha? Ano?" Gulat kong tanong sa kanya. Anong part time? Paanong nakakuha sya ng trabaho kahit part time lang?







"Nag-offer kasi 'yung librarian, tutal lagi ako doon tumatambay tuwing hinihintay kita makauwi." Paliwanag pa nya. "Isa rin sya sa mabait na nakilala ko."






Hindi ko alam kung napuna nya ang pagsimangot ko. Akala ko ba ako lang ang mabait? Ako lang ang meron sa kanya?




Naiisip ko palang ang mukha ng Librarian sa amin ay tinatamaan ako ng inis. Hindi lang kay Alex, pati sa Librarian.






"May binili ako. Kumain na tayo, para makapasok ka ng maaga." Hila nya sa akin papunta sa mesa. Nagkibit balikat na lang ako at hinagis ang bear sa kwarto ko dahil sa naramdaman kong inis kanina.







"Mabait pala, ha." I murmured. Sumunod din naman ako agad sa kanya.







Nag-take out lamang sya ng pagkain mula sa fast food. Sabay kaming kumain at pagkatapos ay gumayak na din ako agad.





Sabay kaming naglakad patungo sa University. Sanay na din kami sa mga chismosang tinititigan kami at nagbubulungan. Isina-sawalang bahala ko na lang ang lahat, tutal naman ilang buwan na lamang ay matatapos na ako at makakaalis na ako sa lugar na 'to upang magtrabaho o mag-aral sa ibang bansa kasama ang magulang ko.





"Sabay tayong kumain mamaya, ha?" Masiglang sambit naman ni Alex habang nakaakbay sa akin. Tumango lang ako. Para bang lahat ng inis ko'y nawala sa isang ngiti nyang 'yun. Hay nako.






Simula ng mangyari kagabi ang lahat ay para akong nabunutan ng tinik. Parang bago ulit lahat, parang kaya ko ng panindigan ng tuluyan kung ano ang pinasok ko at kung saan pa ito tutungo.








xxMoichido_san9

My Robot Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon