chapter 4

113 6 6
                                    

***********Nag-decide na lang ako na gawing medyo madalas ang update kesa dati since hindi naman ata ako makakareceive ng 10 votes per chapter. kaya medyo nanganganib na madelete ko tong story na to since I'm not a deal breaker maliban na lang kung si Lady Iryn ko ang magsasabi na void na ang deal na kapag di ko nakuha yun e ididelete ko na tong story.

Kaya before the deadline of the deal dapat ko na tong matapos. Kasi hindi naman siguro, siguro lang ha hindi lalampas ang story na sa 7-15 chapters wala lang. araw arawin ko kaya matapos lang. hahaha ,pero hindi naman kasi araw araw may napasok sa utak kong kalokohan. hahahaha.

Sige enjoy sana kayo.

If hindi mo magawa Lady Iryn, Ako, kayang kaya ko kasi nga may pinaghuhugutan.....hahaha ang lalim.

Eto oh: "I LOVE YOU", "MAHAL KITA", "愛してる" I am and I'm proud

Pansin ko dumadaldal talaga ako simula ng maggawa ako ng ganto**************

chapter 4

ctyrnbObZ' POV

"Cath may sasabihin sana ako"  

"Hmmmm?" 

"A---a--an----ano--, ano kasi---ah"

"Kasi ano----

"GUSTO KITA"

Nagulat talaga ako. Teka. Tumalikod ako at naririnig ko sya habang pinipigilan ang tawa nya. At medyo nakakaloko yon at natatawa na rin ako.

Parehas kaming tumatawa at humarap uli ako sa kanya at nagtatawanan kaming parang baliw para ngang hindi na ako makahinga kakatawa.

Hindi ko maipaliwanag basta nung narinig ko yong sigaw na yon parang nagulat ako na nabuhayan ng dugo at nung maring ko si Vince na tumataw ng ganito hindi ko maintindihan pero nadala na rin ako.

At ngayon parehas kaming natulad kay Shasha. MGA BALIW!!! BAKIT?

Kasi nung sinabi nyang may gusto syang sabihin sa akin biglang may sumigaw na lalaki dun sa maliit na bridge sa likod lang namin ang sabi: 'GUSTO KITA' and then *PAKKKKKK* isang malutong na sampal mula sa isang babae. Hindi ko alam kung dapat ba naming tawanan yun pero hindi namin mapigilan.

"Cath"

"Hmmm?" pinipigilan ko na ang sarili ko sa pagtawa tapos tumingin ako sa kanya medyo sa mga mata nya ako napafocus. Ang seryoso nya tapos ngumiti sya sa akin

"Wag mo akong sasampalin ng ganun kasi gusto kita at yung pagkagustong yon parang mas lumalalim pa" hindi ko masyadong marinig kasi nga mas naririnig ko pa yung sigaw nung babaeng nanampal kanina.

"Ha? pasensya ka na hindi ko narinig masyado" ang naintindihan ko lang kasi ay sampal? gusto? lalim? ewan ang gulo. Baka tungkol dun sa nakita namin

"Wala ng ulitan sa binging tulad mo" nagalit ba sya? tumalikod sya at naglakad palayo. Pumunta sya dun sa loob ng resto bar ano bang iniisip ng taong to.

Hinahabol ko sya pero dun kasi sya dumaan sa parte na maraming tao kaya hindi ako makasingit sa laki ko ba namang ito? syempre mahirap makipagsiksikan. May babaeng humigit sa kanya teka san sila pupunta.

Hindi ko alam kung galit ba sya o ano. Bakit ba pabagobago ang mood ng lalaking yon para sya babaeng may period.

*Bamm* May bumungo sa akin kaya medyo napaatras ako and sa ngayon basa na ang damit ko natapunan ako ng juice? juice ba to iba ang amoy

"Hey watch where your going freak" the nerve of this guy. Ako pa ngayon ang hindi nakatingin sa dinadaanan e sya itong nakatungo.

Hindi ko na lang sya pinansin kasi parang lasing na. Aalis na ako. Kaso humaharang sya sa dinadaanan ko.

I want this girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon