Chapter 30: Alone

Start from the beginning
                                    

Sa sinabi nyang yun, napatigil ako sa pag-iimpake.

At tumingin ng daretso sa kanya.

Tinigasan ko yung mukha ko, at pinigilang wag ulit umiyak kahit alam ko kitang kita nya na namumula ang mga mata ko.

"John, may tanong ako sayo. Anong pagkakamali ko? Parang bago ka pa umalis pa-abroad, hindi ka naman ganyan. Sa tinagal tagal natin magkasama, bakit parang pakiramdam ko, sobrang iba ka ngayon? Hindi ako ang nag-bago, ikaw yon. Bakit John? Bakit? Ako na naman yung mali?"

J: "Siguro nagsasawa na ako."

Kinuyumos ko yung kamao ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi nya.

"Nagsasawa?"

J: "Lagi na lang ako yung nagsosorry, ikaw na lang lagi ang nasusunod, ikaw na lang parati ang tama, kailangan parati na lang akong mag-rereport sayo. Jam hindi mo ga nararamdaman? Nakaka-sakal! Nakakasawa! Wala na lang akong sinasabi pero sumabog na yung nasa loob ko eh, di ko na kaya Jam."

"Yun yung rason kung bakit pinagpalit mo ako?"

Napa-buntong hininga sya at kalmadong sumagot.

J: "Jam. I'm sorry pero.."

"Pero kagaya ka rin ng iba? Na sa problemang hindi napapag-usapan, hahanap na agad ng iba. Ganon? Na hindi mo man lang inisip na kaya ko namang makinig sa hinaing mo? At pinili mo pa talaga akong lokohin?" tumutulo na yung luha ko pero pinapahid ko to agad.

Naiinis na kasi ako. :|

Ako na naman yung mali, ako na naman :'(

J: "Hindi kita balak lokohin, nagkataon lang na si Alyna yung..."

"Sya yung nandyan habang masama ang loob mo sakin? Eh bago ka naman umalis okay naman tayo."

J: "Di lang ako nagsasalita dahil ayokong saktan ka."

"Nung nakita ko kayo kanina, hindi mo ko sinaktan non? Mas okay pa nga eh kung sayo mismo nanggaling, hindi yung ako mismo yung nakakita. Tapos binabaligtad mo pa, ako pa yung gina-gawa mong masama."

J: "Alam ko din na madalas kayong magkita ni Michael noon. At dahil don, nagseselos din ako."

"Paano mo nalalaman yan?"

J: "Wala."

"May ispiya ka John?"

J: "Ginawa ko lang yun para masigurado kung talagang di ka mababali sa usapan natin, pero hindi eh. Binali mo yung tiwala ko. Tsaka mga guard lang naman dito sa building ang inusap ko..."

"Wow John. So yun na yung basehan mo? Para isipin na niloloko kita? John nasan ang utak mo? Sa palagay mo ganon akong kababaw? Alam mo naman kung anong galit ko sa lalakeng yon, tapos... Arggg.... I can't believe this John. Ganyan pala ang tingin mo sakin. At sino ka para pag-ispiyahan ako?"

J: "Okay sorry. Di dapat pero napatunayan ko naman eh."

Umiling na lang ako. Ang sakit na sa puso eh :'(

Sabi na kaya ayoko makipag-usap sa kanya. Mas masasaktan ako.....

Tinuloy ko ang pagpapake.

John sana lang nagtiwala ka.

Mga rason mo baluktot.

='(

J: "Pero hindi mo alam ang saloobin ko!"

"Then bakit di mo sinabi?!"

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now