Chapter 1: That 'Malanding-Impakto-Guy'

13 2 1
                                    

(A/N):Sa mga nakakakilala sakin (feelingerang author) sa personal, sssshhh nalang kung may similarities sa totoong buhay yung nakasaad ditey. Tinatamad akong magisip kaya shut up na ha? Special mention kay Bill Diaz at Sophia Lingcallo. Enjoy reading!

Chapter 1

Isang linggo na ang nakakalipas nang magsimula ang klase. Sabado na ngayon. Nakasakay ako sa jeep papunta sa Simbahan. Kasama ako sa binigyan nila ng scholarship at tuwing sabado, nagpapa-formation sila at binibigyan kami ng allowance.

Ako nga pala si Renzel Fabrio. Tawag sakin ng mga kaibigan ko ay "Ken". Wag niyo kong tanungin kung bakit "ken" kasi hindi ko din alam. I'm 15 years old, 3rd year high school and yes, naabutan ng k-12 kaya Grade 9 ang tawag samin.

Makalipas ang ilang minutong stuck sa traffic, siksikang jeep, mga amoy anghit na katabi ay sa wakas narating ko na ang destinasyon ko.

Dumerecho ako sa Jubilee Room ng simbahan at naabutan ang mga kabataang busy sa cellphone, sa pagtsitsismisan at kung ano-ano pa.

Hinanap kaagad ng aking mga mata ang tsismosa kong kaibigan. Yes, tsismosa talaga. Pagkakita niya sakin ay agad niya akong niyakap at binulungan ng,

"Beh, may tsismis ako sayo. May mga bagong scholar daw, beh. May mga gwapo daw beh. Aym su eksayted, owemji."

Tinaasan ko lang siya ng kilay sa kalandian niya at hindi na nagsalita.

"Friend, why are you so tahimik na naman? It's like, duh. It's boring kaya when you are not making daldal to me. Owemji. I'm going to lose my mind."

Siya nga pala si Kierra Martinez. Hindi yan mayaman pero kung makapagsalita akala mo talaga andaming pera at alahas. Conyo pa. Ang sarap itangging kaibigan ko yan.

Hinayaan ko lang siya sa pagdaldal niya at nagsalpak ng earphones sa tenga ko kahit walang tugtog. Ayoko muna ng kausap. Nahalata niya na siguro na wala ako sa mood makipagusap kaya yung katabi niya na lang ang dinaldal niya. Good luck sa kanya.

Napansin kong may mga nagdatingan na hindi pamilyar ang mukha. Eto na siguro yung sinasabi ni Kier na mga bagong scholar.

Tinawag na kami ni kier ng mentor namin kaya agad kaming lumapit.

Lahat kami ay may kanya-kanyang grupo. Halo-halo lahat ng levels para daw mas magkakilala kami. Yun lang ang ayaw ko dito. Di ko kailangan ng maraming kaibigan. Kahit isa lang okay na ako kahit pa si Kier yon.

Pinakilala samin ni Mentor Jaime yung mga bago naming kagrupo. At as usual, magpapakilala na naman ng sarili one-by-one.

Lahat kami nakasuot ng name tag kaya tinignan ko na lang ang mga pangalan nila. Infairness, maganda yung pangalan nung isa. Neil Basil. Mukhang pinagisipang mabuti ng mga magulang niya ah? Omedetoo. (congrats in nihongo)

Nung turn ko na, tinuro ko na lang yung name tag ko at sabay siniko si Kier para iparating na turn niya na.

Hindi nagsalita si Kier at tumingin lang sakin. Nangunot ang noo ko at tinanggal ang earphones na suot ko. Syempre para dalang-dala yung acting.

"Bakit?" sabi ko kay Kier.

"Ang daya mo. Magse-share kaya ng pinagdadaanan sa buhay." Sagot niya sakin gamit ang malakas na boses kaya ang atensyon ng grupo ay nabaling samin.

Jusko naman. Pahamak talaga 'to kahit kailan.

"Ayoko. Ikaw na." sagot ko sa kanya at ibinalik sa tenga ko yung earphones.

Nahagip nung mata ko na inirapan niya ako at nagkwento na siya.

Nang matapos ang pagpapakilala ng bawat isa ay hinayaan na kaming magkuwentuhan dahil alam daw nilang 'namiss' naming ang isat't isa. Tss. Si Kier ayun. Lumipat ng upuan at nakipagdaldalan. Naiwan akong mag-isa at bakante ang upuan sa tabi ko.

Tenacious LoverWhere stories live. Discover now