Chapter 4: Welcome to Enchanted Forest

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh, look. Nandito na pala ang bida natin." Ito ang bati sa akin ni Freya nang makarating kami sa harap ng Enchanted Forest. "Are you ready to make a fool of yourself?"

I just rolled my eyes at hindi siya pinansin. She's the least of my concern right now. Napatingin ako sa paligid. Mas madami pa palang pumunta kesa ng inaasahan ko. There's Freya and her group. Ang kambal. Ilang lalakeng classmate namin na hindi ko man lang kilala. May ilan ding taga ibang section. At kami ni Snow. But where's Jett?

Napatingin ako sa loob nga kakahuyan ang a lump form in my throat. The place really gives me the creeps. Seriously parang gusto ko na talagang umatras. I don't know what gave me the courage to do this in the first place. For the longest time I've been afraid to take risk. I'm the girl who always takes the safest route to anything.

Hindi ako matapang. Believe me, I might be the lamest person you could met. Ni hindi ko kayang ipagtangol ang sarili ko. Not until now. Pero sigurado ba ako sa ginagawa ko? O dala lang ito ng pride dahil ayokong magpatalo kay Jett at gusto kong patunayan ang sarili ko. Do I have to really do this?

"Hindi ko akalain na darating ka pa."

Tumingila ako sa puno kung saan nanggagaling ang boses. Nandoon si Jett nakaupo sa isang malaking sanga at nakasandal sa trunk nito. Medyo madilim pero kitang kita ko parin sa liwanag ng buwan ang mukha niya. It gave me an uneasy feeling. Bakit ba nakakaramdam ako ng ganito basta malapit siya?

Tumalon si Jett mula sa puno at eksaktong bumagsak nang nakatayo sa harap ko. As in harap na harap. Yun bang halos wala na kaming pagitan na space. My breath hitched at biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko napigilan na umatras palayo sa kanya. Ano bang meron sa kanya at ganito nalang ako magreact? Hindi na ito nakakatuwa.

Napatingin siya sa likod ko at bigla ko nalang narinig ang tili ng ibang mga kasama ko. Lumingon ako sa kanila at nakitang pinapalibutan na pala kami ni Jett ng apoy. Gusto niya ba kaming tustahin pareho?

"Ano bang gusto mong ipagawa? Sabihin mo na para matapos na ito." sabi ko.

Seryoso akong tinignan ni Jett na para bang sinusubukang basahin ang isip ko. "Hindi mo ba talaga alam kung sino ka?"

The way he looked at me para bang takang taka siya at gusto niya talagang malaman ang sagot. Pero ano bang klaseng tanong yan? Syempre kilala ko ang sarili ko. Ako si Ariela Davis!

"Ano bang ibig mong sabihin? Ako si Ariela Davis."

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Yung tingin niya sa akin hindi na nakakatuwa. Ano ba talagang iniisip niya?

"Hindi nga ako nagkamali sa pagtawag sayo ng stupid."

Napanganga ako sa sinabi niya. Babalik nanaman ba tayo sa topic na yan? Ito nga at ginagawa ko na ang lahat para hindi niya na ako ulit ako mabully tapos stupid parin ako. Nakakasakit na siya ng damdamin. Hindi nga ako ang pinakamatalinong tao pero hindi naman siguro tama na paulit ulit niya nalang akong tawagin ng ganun.

"Sa gitna ng gubat na ito may tatlong forbidden tree. Ang hahanapin mo ay ang puting puno. Kumuha ka ng bunga nun. Kung nagawa mo yun hindi ko na guguluhin ang walang kwenta mong buhay."

Bunga? Ang dali naman pala nito. Para ka lang manunungkit hindi ba? Akala ko naman kung anong kababalaghan ang ipapagawa niya.

"Sigurado ka bang merong ganung puno sa gubat ?" paninigurado ko.

He stared down at me then smirked. Sa isang iglap lumiyab ang ilang tuyong dahon sa tabi ng paa ko.

"Bakit natatakot ka ba?" tanong niya na sa nakakalokong tono. "Kung may charm ka wala kang dapat ikatakot. Pero alam naman nating dalawa na wala ka nito kaya tingnan nalang natin kung hangang saan ka magtatagal."

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon