"Do you mean? Nalulugi na ang kumpanya? Bakit inilihim nyo sa akin dad!" Inis na sabi ni Jasmine..

"Kaya yun lang ang tanging paraan para isalba ang kumpanya.. may taste naman kasi ako anak.. nakita ko na yung anak nung may Ari ng TeleCom.. tss.. kung ikaw rin anak.. mas gusto mo pang magpakasal kay Kyle kapag nakita mo sya.." sabi ni Mr. Roberts..

Palihim kong sinerch ang pangalan nung CEO ng TeleCom..

Ang TeleCom ay isa sa pinaka sikat na kumpanya sa buong mundo.. marami narin silang mga napatayong malls.. resto.. at iba pa..

Pero syempre mas mayaman kami.. sa pagkaka alam ko kasi.. mag kababata sila daddy at si Mr. Roberts.. kaya siguro kay daddy humingi ng tulong si Mr. Roberts ng dahil sa close na silang dalawa..

Isang tycoon si daddy.. kahit pa magnakaw ka ng ilang beses.. halos di parin maubos ang yaman nila daddy..

Tama kayo ng basa.. NILA lang at hindi NAMIN ang nilagay kong word..

Makikita naman kasi siguro na sila mismo ang nagparami ng pera at yaman nila.. at hindi naman ako.. kasi wala pa naman akong napapatunayan sa buong buhay ko.. wala pa akong trabaho.. ni hindi pa nga ako nakapagtapos ng college.. paano ako makakapagtrabaho kung ganoon?

Isa pa.. masyado akong naka focus sa pag aaral ko kesa sa mga mangyayare sa akin sa future..

Para ngang di na ako nagugulat sa mga nangyayare ngayon..

At dahil nandito na kami.. alam kong kelangan nila ang tulong ko..

Wala ng atrasan toh.. at alam kong kelangan ko rin silang tulungan..

Nabalik na lamang ako sa realidad ng may magsalita sa tabi ko..

"Timothy Lance Abellano.. ang pangit nga naman nitong lalaking toh.. tsk! Sige na dad! Dito na ako magpapakasal kay Kyle.." sabi ni Jasmine..

"Mukhang high pa sya ng mga panahong kinuhanan yata sya ng picture nito.." sabi ko nalang ng makita ang mga picture nung anak ng CEO ng TeleCom..

"I told you dear.. I have a good taste.. syempre ayaw ko namang mamana ng lalaking yan ang mga mukha ng mga magiging apo ko kung sakaling pumayag ako na ipakasal ka dyan noh.." sabi ni Mr. Roberts..

"Saka.. sayang naman at perfect much na kayo.. maganda at gwapo.. maganda ang lahi nyong pareho kaya alam kong magiging maganda rin ang genes ng mga apo namin haha" sabi ni dad..

Agad na naglakihan ang mga mata namin..

"WHAT!?" Sigaw namin..

Tumawa lamang silang dalawa saka na sila tumayo at inayos ang coat nila..

"Sige na anak at kelangan pa naming puntahan iyong kumpanyang pinapatayo pa namin.." sabi ni dad..

"Huh? Kumpanya? Ang dami nyo ng kumpanya dad dadagdagan nyo nanaman? Baka mahirapan naman kami mag manage nyan.." sabi ko..

"Silly.. sinabi ko bang sa akin yung kumpanya?.. para sa inyo yun anak.. sa inyong dalawa.. yun na yung company naming pinagsama.. magiging Ashton Lee Companies na.."

Napakunot naman ang noo ko.. Ashton Lee?

"At anong kinalaman ng Aston Lee doon dad? Wala akong natatandaang pangalan na ganoon.." sabi ko..

Ngumisi silang dalawa saka sila tumawa..

"Pangalan ng magiging soon grand son namin Kyle!" Sigaw nila saka na sila nagmamadaling tumakbo palabas..

Naiwan kaming mga nakanganga at nanlalaki ang mga mata..

Di ako makapaniwalang sa tanda ng mga tatay namin.. ngayon lang nila na experience maging teenager..

Naiiling akong tumayo..

"Hmm.. maaga pa naman.." sabi ko habang nakatingin sa relos ko..

"Maaga pa sayo yung 7:30?" Taas kilay nyang sabi sa akin..

"Pupunta ako sa bahay natin para makita yun? Di ka sasama? Tinatanong lang naman kita.." sabi ko sa kanya ng naka poker face..

Nakita kong kumislap ang mga mata nya pero agad nya rin iyong binawi at tumayo nalang sya agad..

Marami pa talaga akong di nalalaman sa babaeng toh.. parang magaling syang magtago ng sarili nyang ekspresyon.. sarili nyang ugali.. sarili nyang pagkatao..

Lumabas na sya at sumunod naman na ako sa kanya.. sumakay na sya sa sasakyan ko saka na ako nagmaneho papuntang bahay namin..

Nasa isang subdivision sya na pagmamay ari namin at mabuti na lamang alam ng guard rito kung nasaan yung bahay dahil marahil sinabihan na sila nila dad.

Nang makatapat kami sa baha--- este mala mansion naming bahay.. agad syang bumaba at pumasok na agad sa loob..

Iwan ba naman daw ako rito sa labas?

Mission: Searching My Miss RightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ