Part I

35 0 0
                                        

"Hello. Naka reserve ba ang upuang to?" Ang crush ko, mygaaaddd!! Pandalawahan kasi yung upuan sa bus, at sa may bintana ako banda umupo.

"Hindi. Tabi na lang tayo." I tried to suppress my kilig. I am not expecting that this moment would come. Dati-rati tinitignan ko lang siya sa malayo pero parang tadhana na yata ang naglalapit sa amin ngayon.

"Hi Noraiah, san ang uwi mo ngayon?" What the!! Kilala niya ako?! For real??

"Dun sa hometown ng mother ko. Bibisitahin ko muna ang grandparents ko. What about you?" Eh sa hindi ko alam kung saan ang hometown niya. Pangalan nga lang ang alam ko sa kanya, ay meron pa pala. Maliban sa magkatabi lang yung boarding house namin, magaling din siyang sumayaw. Member pa nga siya ng dance troupe sa aming school. Yun lang ang alam ko at wala ng iba.

"Uuwi ako sa amin ngayon, sa Carmen." Ano?!!

"Eh, parang magkapit-bahay lang pala tayo! Ng hometown *laughs* 2 towns lang ang pagitan."

"Yeah, hindi talaga ako mahihirapan sakaling umakyat ng ligaw." And he smiled at me. Omo!! Am I dreaming?!!!

"What a joke! Ha ha ha nakakatawa. Pero tama naman, di rin ako mahihirapang bumyahe sakaling gusto akong makilala ng parents mo." Kala niya siya lang marunong magjoke ng ganun?! Ha! Ako rin! Kahit wala akong experience, aba! Matalino to!

"Anong oras ba kasi babyahe ang bus na ito at ng maipakilala na kita sa parents ko." Ganun?! Parang ang close na talaga namin ano? Wagas kung makabitaw ng jokes.

"Malapit na. Be patient."

"Yeah. I will be patient for you." Then winks at me playfully.

"Hahahahahaha sige ikaw yung patient at ako naman yung doctor mo." Sa kakatawa ko eh umandar na naman yung ubo ko. Yung nakakairitang ubo, na kapag pinapawisan ka eh sumasabay rin. Na hindi tumitigil hanggat hindi ka naluluha. Kainis!

"Kalma lang kasi Raya, wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Ayan tuloy." Hinimas-himas niya yung likod ko.

"Wala nga. Ikaw naman yung nakakatawa." Huhuhu umiiyak na ako sa kakaubo. Wala namang plema yung ubo ko noh? Pasosyal rin to, umeeksena lang tuwing pinagpapawisan ako.

Kinuha ko yung bottled water na ininuman niya kanina. Wala ng hiya-hiya to. At ininom ko agad yung natitirang tubig, hmm amoy na amoy ko pa yung hininga niya. Waaahhhhh!!! Hokage rin pala ako. Hahaha

"Akin na to ha? Ay ubos na pala, thank you na lang." *evil laugh* Ngayon ka pa humingi na naubos mo na yung tubig Raya? May saltik ka rin ano?

"Okay lang." *hypnotic smile*

Yes! Nakakahipnotismo, pero yung sperm kong ubo hindi nadala ng ngiti niya!

"Basang-basa ka na ng pawis. May panyo ka ba?" Hinimas-himas niya pa rin ang likod ko. Bakit ba kasi hindi pa bumabyahe ang bus na to. Anong oras na, kanina pa ako dito.

"Heto. Bakit?" Kinuha niya lang bigla yung panyo ko at ipinasok yung kanang kamay niya sa likod ko. Naka-tshirt lang kasi ako. Mula sa baba ng shirt naman niya ipinasok yung kamay niya.

"Uy anong ginagawa mo?!" Pinunasan niya ang likod ko. Maygaaasssss kinikilig ako sobra! Dapat nga eh nahihiya ako sa kanya kasi naman bakit sa harap pa niya sumulpot ang sperm na ubong to! Wag niyo na lang pansinin yung sinabi ko. Yan kasi ang resulta ng mabait na BS-BIOLOGY student. *evil smirk*

"Oh ayan, wag mo kasi akong pagtawanan. Hindi naman ako clown." At ibinigay niya sakin yung panyo ko.

"Sorry boss!" In fairness ha, na relieve ako sa ginawa niya.

KEYWhere stories live. Discover now