Chapter 6

12.3K 280 159
                                    


CHAPTER 6

~~FLASHBACK~~

Dalawang linggo na ang nakakaraan ng mangyari ang aksidente alam na rin ng mga parents namin ang nangyari kay Drea at naktanggap lang naman ako ng suntok galing kay daddy at sa papa ni Drea habang ang mga nanay naman naming ay pianuod lang kung pano ako paulanan ng suntok nila Daddy na maluwag ko namang tinanggap dahil deserve ko naman talaga yun kaya naman maluwag sa loob ko na tanggapin ang mga suntok galing sa kanila at habnag ginagawa nila yun dun ko lang narealize na wala pa ang sakit na nararanas ko compare sa mga kagaguhang ginawa ko kay Drea pagkatapos nun ay tinulungan ako ni Daddy Andrew(tatay ni Drea) na tumayo

"Luke hindi talaga ako payag na pakasalan ka ni Andrea but because I saw in her eyes that she will be happy to be with you that's why I agree with her...pumayag ako sa gusto niya na paksalan ka at sa nakikita ko ngayon I regret everything sana pala hindi ako pumayag sa gusto niya noon...at kung ano man nag maging desisyon niya tungkol sa relasyon niyong dalawa kung piliin man niyang bigyan ka ng pangalawang pagkakataon hindi ako tututol dahil mahal ko ang anak ko at kung piliin man niyang iwan ka ay mas lalo ko syang susuportahan dahil ayaw kong makita na masakatan ulit ang prinsesa ko...hijo itinuring na kitang anak kaya sa pagkakataon na bigyan ka ng pangalawang pagkakataon ng anak ko ipangako mo sakin na hinding-hindi mo na siya sasaktan at mamahalin siya ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay naming ng Mommy Shiela mo"

Tinitigan ko sa mga mata si Daddy Andrew at kitang-kitang ko ditto ang pagsisisi na pinayagan niyang makasal sakin si Drea

"Ipinapangako ko po mamahlain ko pa po siya ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay niya sakin at lalong lalong na pong mas higit pa sa pagmamhal na ipinagkaloob niyo.."

Natatawa ako sa sarili ko sabi ko dati kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya lalong lalo nang hindi ko siya mamahalin pero eto ako ngayon halos hindi na umuuwi ng bahay sa kaaasang isang araw gigising siya at ngingitian ako pero buwan na nag nakaklipas hindi pa rin siya nagigising at unti unti na kong nanghihina na baka anumang oras ay kunin na siya sakin ng hindi man lang ako nakakahingi ng tawad sa lahat ng katarantaduhang nagawa ko sa kanya ni hindi ko man lang nasuklian ng maganda ang lahat ng ginawa niya para sakin lath ng sakripisyo niya para lang sakin ay di ko man lang na-appreciate kaya naman once na nagising siya sisiguraduhin kong makakabawi ako sa kanya kung pahirapan man niya ako ay tatanggapin ko ng buong puso ibibigay ko lahat ng hiling niya wag lang niyang hilingin na palayain ko siya dahil hinding hindi ko gagawin yon kahit lumuhod ako sa harap niya at magmakaawa na wag niya akong iwan ay gagawin ko

"Hey wife ang tagal mo ng natutulog ah hindi ka ba nangangalay ha?" alam kong para akong tanga dahil sa ginagawa kong pagkausap sa kanya pero sabi kasi ng doctor niya mas makakabuti daw na kausapin siya

"Sige ka ang baho mo na 1 month ka nang hindi naliligo puro punas ka lang 1 month ka...na ring hindi kumakakin sige ka papangit ka niyan..,"

"namimiss na kita... namimiss ko na yung mga luto mo.. alam mo ba nagaaral na rin akong magluto para pagkagising mo ako ang magluluto ng pagakain natin para hindi ka mapagod kaya naman please baby gising ka na oh imulat mo na yang mata moa lam mo namimiss ko na yung mga mata mo..ung mga malalaki at magaganda mong mata na puno ng pagmamahal para sakin kaya sige na baby gising ka na"

Nagulat ako ng biglang gumalaw ang daliri niya sa kanang kamay kaya naman kinuha ko yun at hinawakan ng mahipi at paulit-ulit na hinalikan

"Baby gising ka na oh miss na miss na kita" sabi ko habang masa hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya nangingilid na rin ang luha ko habang pinamamasdan ang maganda niyang mukha na kahit lumipas pa ang mga taon ay alam kong di kukupas ang angking ganda niya patuloy lang ako sa pagtitig sa mukha niya ng .......

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Dahang-dahang imulat niya ang mga mata niya at ang dahang dahang pagtingin at pagsilay ng mga ngiti sa mapupula niyang labi

At that time I can't help myself but to cry my heart out...

"Thank God your awake I miss you"

.

.

.

.

.

.

"What are you doing here? GET. LOST"

BEING HIS BATTERED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon