"Jaycobe ang anak natin, nagdra-drawing nanaman."
Iyan ang lagi kong naririnig sa aking ina simula pa noong pitong taong gulang palang ako.
Tuwing sasapit ang ika22 na araw sa bawat buwat ay nadra-drawing ako ng isang simbolo. Kahit ako mismo hindi ko alam kung bakit ganon ang nangyayari. Akala noon nababaliw na ako dahil minsan natutulala ako habang drawing ko yun.
Ngayon na 17 taong gulang na ako mas lalong dumadalas ang ganitong gawain ko. Halos 3 beses sa isang linggo ko na itong gawin. Dahil din dito halos taon taon kaming lumilipat ng tirahan hindi ko malaman kung bakit kailangan namin itong gawin.
"Aila , anak! Humanda ka tayo ay aalis ngayon din." sabi ng aking ama
"Pero daddy, bakit? Saan na tayo pupunta ulit? my hindi ba kayo sinasabi saakin? Lagi nalang tayong nalayo, para tayong sindikatong tago ng tago. Ano po ba ang meron ?" sunod sunod kong sinabi. naguguluhan na ako. My mali ba?
"Anak pagkatiwalaan mo kami, para sa iyo din ito"
"Para sakin? Yan nalang palagi kong naririnig sa inyo!" napasigaw ako, hindi ko napigilan ang aking emosyon. Alam kong nagulat sila dahil sa aking pagsigaw. "Pasensya na po, sige maghahanda na po ako."
Pumasok na ako at naiyak nalang nang hindi ko napapansin. My mga tanong sa aking isip.
Bakit ba nangyayari to? Sino ba talaga ako? Sino ba talaga kami?
___________________________
