S24

3.6K 130 9
                                    

"Bestie nasa stage 3 na ang leukemia ni Glaiza. Kanina inasikaso ko na yung pera na gagamitin namin sa pagpapagamot niya sa States, and tomorrow na ng gabi ang flight namin." malungkot niyang sagot.

"Oh my gosh! May cure pa ba? Kasi ang alam ko bihira na yung nakakasurvive kapag nasa stage 3 na yung leukemia." sambit ni Kylie.

Hindi alam ng lahat na naririnig sila ni Glaiza na nasa bungad lang ng pinto ng kwarto niya. Narinig nito ang sinabi ni Kylie.

"Kylie Glaiza will survive this kaya ko nga siya dadalhin sa America para maipagamot. Glaiza doesn't know about this na stage 3 na ang leukemia niya. Ayoko sabihin dahil ayoko siya mag intindi." seryuso niyang sagot.

"Bestie na iintindihan namin ang nararamdaman mo. But are you sure about this? Alam mo ba ang mangyayari kapag nalaman nila Tito Dave ang tungkol sa inyo ni Glaiza? Lalo na kung malaman ni Tito na ikaw ang gagastos para sa medication niya. Saka Glaiza deserves to know her condition katawan niya yan." seryusong tanong ni Bianca.

"Kung itatakwil ako ni Dad tatanggapin ko. Guys minsan lang ako naging masaya kaya ipaglalaban ko kung anong meron kami ni Glaiza. Bestie mag iintindi lang siya kapag nalaman niya at ayokong mangyari yon. Siya nga pala engaged na kami, she's not my girlfriend now she's my future. Kaya hinding hindi ko hahayaang mawala siya sa akin, dahil mababaliw ako." paliwanag niya sa mga kaibigan. Hindi naman alam ni Glaiza kung magagalit ba siya dahil nagsinungaling si Rhian sa kanya. Pero mas nanaig sa kanya ang pagmamahal, ano pang silbi na mag-away sila kung hindi naman magtatagal na makasama niya si Rhian?

"Rhi kung saan ka masaya susupportahan kita. Kung sa tingin mo yan ang tama, gawin mo. Coz this time you need to value your time with her. Walang makakapagsabi kong anong mangyayari bukas." Kylie said.

"Kylie pwede ba? Stop thinking na anytime pwede mawala si Glaiza? Kaya nga ako gumagawa ng paraan para gumaling siya. Kung wala kang sasabihing maganda, better shut your mouth!" galit na pagkakasabi ni Rhian.

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now